Ang mga mababasa sa Blog na ito ay pawang mga Immature na paniniwala lang ng isang taong bobo at nagmamarunong, wag paniwalaan ang lahat.
BOB ONG VS. JUAN TAMAD.. BASAGAN NG KWENTO (including paulo kwelyo as extra)
November 5, 2009Ang Pagmamahal:
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo isisiksik ang sarili mo kung wala nang pwesto para sayo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lng pansinin.” - Bob Ong
“Mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik ito, at darating ang panahon na magkakasya din ako…” - Juan Tamad
“Nag aaway kayo?” — Paulo Kwelyo
“At sino ka naman?” — Both Juan and Bob
“wala lang, napadaan lang? — Paulo Kwelyo
“teka.. yaman nadito ka din naman lang, tatanungin ka namin.. ok lang ba?” — Bob Ong
“Hwag mo nang idamay yang bata.” — Juan Tamad
“Tatanungin ko lang.. takot ka ba?” — Bob Ong
“Hinde naman… kaya lang.. nakakatamad eh.” — Juan Tamad
“masyado mo namang pinaninindigan yang pangalan mo.” – Bob Ong
“Hinde ah..” — Juan Tamad
“ano po ba yun?” — Paulo Kwelyo
“Sinong mas tama sa amin? kasi sabi ko ang pagmamahal Parang elevator lang yan eh, bakit mo isisiksik ang sarili mo kung wala nang pwesto para sayo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lng pansinin. “ – Bob Ong
“ngayon?” – Paulo Kwelyo
“sa kin naman .. Mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik ito, at darating ang panahon na magkakasya din ako
– Juan Tamad
“anong kinalaman ko dun?” — Paulo Kwelyo
“Sino sa Tingin mo ang mas tama sa opinyon namin?” — Bob Ong
“Ako Siyempre” — Juan Tamad
“Teka lang.. relax ka muna wala pang sagot eh” – Bob Ong
“teka.. lilinawin ko lang ah.. si Juan gusto sa elevator?” — Paulo Kwelyo
“Oo” — Bob Ong
“tapos ikaw naman pinagbabawalan mo kasi, puno na?” — Paulo Kwelyo
“Hindi naman..” — Bob Ong
“OO nga naman.. bakit mo ko pinagbabawalan eh, gusto ko talagang maghintay ng elevator eh.. nakatamad kaya ang hagdan”
– Juan Tamad
“Ahhh.. Kinarir (career) kasi ni Juan Tamad yung Pagiging Tamad niya sa Pangalan niya para i justify na tamad siya?”
– Paulo Kwelyo
“Oo medyo OA siya no?” — Bob Ong
“hehehe… pero anong kinalaman ng Pagmamahal dun? – Paulo Kwelyo
“kasi diba… ang kapag nagmamahal ka parang elevator.. kung ipipilit mo ang sarili mo na mapansin o mahalin ka ng tao, e parang sinasayang mo lang ang oras mo. meron namang ibang oputunidad gaya na lamang ng Hagdan. Hindi lang natin kaagad napapansin…” – Bob Ong
“.Zzzzzzzz” — Juan Tamad
“Tignan mo tinulugan na tayo.” – Bob Ong
“Oo nga… hayaan mo na..” – Paulo Kwelyo
“eh ano namang depensa niya sayo?” – Paulo Kwelyo
“Ang sabi niya Mapuno man daw ang elevator, sigurado naman daw na babalik ito, at darating ang panahon na magkakasya din daw siya” – Bob Ong
“Ang tiyaga naman niya.. DARATING ANG PANAHON? so matagal yun.. HAHAHA”… Pero ano namang kinalaman sa pagmamahal nun? – Paulo Kwelyo
“ewan ko sa kanya?” –Bob Ong
“Eh kung sa fire Exit siya dumaan?” — Paulo Kwelyo
“Puma punch line ka?” – Bob Ong
”Hindi naman po hehehe..” - Paulo Kwelyo
Siguro po ang ang kinalaman nun sa pagmamahal ay parang naninindigan siya na ang isang tao na napili niyang mahalin ay yun na talaga habang buhay para sa kanya.. siguro iniisip niya na siguro wala pa sa sapat na oras pero may fairy tale siya na magiging sila din balang araw. – Paulo Kwelyo
“oo nga kaya lang, umaasa lang siya sa wala diba?” – Bob Ong
“oo nga po.. pero wala naman po siguro masama na maghintay ka sa hindi naman darating… siguro hayaan na lang natin siya na maghintay dyan sa wala. hanggang sa marealized niya na nasira na talaga yung elevator ng buliding na ito.. maghahagdan din yan.. maniwala ka..” — Paulo Kwelyo
“HAHAHA… oo nga Tara na” — Bob Ong
“Dun tayo sa Hagdan” – Paulo Kwelyo
“Ayoko Dun tayo sa Escaltor” — Bob Ong
“Eh sira din po eh” — Paulo Kwelyo
“Ay paano yan?” – Bob Ong
“eh may hagdan naman po eh” — Paulo Kwelyo
————————————————————————————–
SORRY SA MGA FANS NI BOB ONG… at kay BOB ONG… nagamit ko lang just for FUN…
Pick up lines na WALANG KWENTA
October 17, 2009Ayoko nang mag intro… diretsahan na..
ito yung mga pick up line na narinig ko na, Tinext sa akin, Nabasa ko na sa ibang BLOG tapos yung iba pinilit ko.. i mean nag imbento ako.. medyo Classic at medyo Corny
1. Kapag magkasama tayo, isipin mo si bagyong Ondoy ako…
–Kasi babahain kita ng pagmamahal ko..
2. Hwag kang magagalit ah, Tingin ko kasi sayo para kang pera...
–Ang Sarap mo kasing angkinin, kahit hindi ka AKIN
3.Para kang Relief Goods…
– Kasi, handa akong pumila, makamtan ka lang
4. Para kang Relief Goods..
–Kasi Handa akong maghintay, dumating ka lang..
5. Para kang Sweldo…
– Lagi kong inaabangan ang pagdating mo..
6. Para kang Lotto..
– eh kasi naman ang tagal tagal ko nang Umaasa Sayo..
7. Kapag magkasama tayo, pakiramdam ko, Fishball Vendor ako at Ikaw ang fishball ko..
–hanggang ngayon kasi, umaasa parin ako sa pagmamahal mo eh..
8. May aaminin ako sa yo, Alam mo, Takot ako sa Multo…
–Pero mas TAKOT ako kung mawawala ka sa Buhay ko…
9. Pwede Ba kitang Abutin?..
– IKAW kasi ang pangarap ko eh.
10. Hindi naman sa Nandidiri ako sayo eh no? pero para kang tae..
–Kasi hindi kita kayang paglaruan..
11.Hindi mo pa nga ako Binabato….
–Tinamaan na kaagad ako sayo..
12. Para kang TAXI….
–Habang Lumalayo , mas Lalo akong napapamahal.
13. Peram naman ng TABO sa inyo…
–bubuhusan ko lang ang puso ko, Nag aalab sa pagmamahal ko sayo..
14.Takot ako sa Matataas na lugar, kasi, Ayokong mahulog…
–Mas gugustuhin kong MAhulog SAYO..
15. Paglaki ko gusto kong maging….
– SAYO
16.Alam mo matalino ka, Sana Scientist ka na lang..
–Sana ako ang maging LAB mo..
17. Nasalanta ka ba ng BAGYO?
–Pwede ba akong maging Vollunteer sa PUSO Mo?
18. Alam mo handa akong Mahilo…
–Umikot lang ang MUNDO ko sayo..
19. Nasaraduhan ka na ang GATE nyo?
–Hwag kang mag alala, Bukas lagi ang puso ko para sayo..
20. Aanhin mo pa ang RELO?
–Kung NASAYO na ang LAHAT ng ORAS ko..
21. Pasalamat ka sakin, Tingin ko sayo para kang IHI
–HIndi kita kayan TIISIN
22. Alam mo Kahit Kailan, Hinding Hindi ako Mahuhulog SAYO..
– Kasi Sa tuwing nakikitapa lang kita eh, Parang lumulutang na ako…
23. Alam mo, Tingin ko sayo Para kang NEGOSYO..
— Kasi, Sobrang nag INVEST na talaga ako ng FEELINGS sayo eh..
24. Alam mo Para kang CHAMPIONSHIP BELT sa BOXING….
—Handa akong Masaktan, MAKAMIT ka lang..
25. Ang Daming Magaganda sa MUNDO no?…
–Pero IKAW lang ang PinakaMAgandang Nangyari sa BUHAY ko..
26. Para KAng Holdaper..
– Handa akong IBIGAY sayo ang LAHAT, Hwag mo lang akong SAKTAN..
27. Buti pa ang PAYSLIP, may PAG IBIG..
– ako wala
28. Alam mo Bobo ako sa Basket ball eh, pero alam mo Para kang Bola ng BASKETBALL….
–Lagi ko na lang nami MISS
29. Sorry ah, Hindi kasi kita nami MISS eh…
— Kasi ang nami MISS lang ay yung mga NAWAWALA, kahit Kailan naman, Hinding Hindi ka nawala sa PUSO ko eh..
30. Para kang PRESO….
– eh kasi I CANT LET YOU GO..
31. Naniniwala ka ba sa LOVE AT FIRST SIGHT?
— Gusto mo magkita tayo para MANIWALA ka na?
32. WALA NA, UBOS na ang LAHAT NG PICK UPLINE na alam ko, Wala na akong MAISIP
— KUNDI IKAW..
33. Sana naging stethoscope ka na lang..
– Para marinig mo ang Tibok ng Puso ko…
34. Buti pa ang Bigas, Harina, Manok, Prutas, Gulay, Baboy at Gas…
– Lahat yun nagmamahalan na, TAYO nalang yata ang Hindi pa..
35. Sana Kalendaryo na lang Tayo.
– Para lagi Tayong may Date..
36. Turuan mo naman akong Mag Budget…
—Eh kasi masyado na akong napapamahal sayo eh..
37. Magaling ka ba sa Algebra?
— Can you Replace my X without asking Y?
38. A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T V W X Y Z
– ooppss.. I miss U
39. Busy ka ba? Pwede bang samahan mo ako?
– habang Buhay..
40. Diabetic ka ba?
– Kasi I’m planning to be the sweetest person for you..
41. Hindi ko na kailangan ng Energy Drink.
– Hindi naman ako napapagod na MAHALIN KA eh.
42. Huhulaan Kita: Makikita mo na ang LALAKENG HABAMBUHAY NA PARA SAYO..
– Kung Papansinin mo ang pagmamahal ko sayo
43. Nung Iniwan mo ako, Feeling ko Toy Robot ako, Tapos ikaw yung Remote Control ko..
–eh kasi I CAN’T MOVE ON without YOU…
44. Alam mo ba kung Bakit JUNJUN ang Pangalan ko?
– Kasi I CAN’T IDENTIFY MYSELF WITHOUT “U”…
45.Para KAng LOTTO..
– Tingin ko kasi NAKA JOCKPOT ako sayo eh..
46. Isa ka ba sa mga Heavenly bodies?
– Tingin ko Hindi, kasi Mas maganda ka pa kaysa sa mga bituin sa Langit eh..
47. (PANG ASAR LANG) Para kang Chicharon..
– Nakaka HIGHBLOOD KA..
48. Samahan mo ako, Sabaya tayo magpa Blood test….
– Para malaman ko Kung TYPE mo ako..
49. (PANG ASAR ULIT) “PARA KANG DIAL - UP SA INTERNET.”
– ANG SLOW MO KASI EH..
50. Uy!! Tumataba ka ah…
– Okay lang yan, Kahit gaano ka pa kalaki, kasya ka pa rin sa PUSO ko.
51. Uy!! Tumatangkad ka ah..
– Dati hanggang balikat lang kita, Ngayon, nasa ISIPAN na kita..
52. Napansin ko parang Lumiliit ka..
– Kasi Dati na sa ISIP lang kita, Ngayon nasa PUSO na Kita..
53. May kilala Ka bang Gumagawa ng Relo?
– Papagawa ko kasi itong Relo ko, kasi Humhinto ang oras kapag magkasama tayo.
54. Miss, may kilala ka ba na gumagawa ng sirang Cellphone?
– May sira yata ang Cellphone ko, Wala kasi ditong Number mo.
55. Para kang Tubig…
– Uhaw na Uhaw na ko sa Pagmamahal mo..
56. Alam mo para kang Google at Yahoo..
– Lahat kasi ng Hinahanap ko, NASAYO na..
57. Congrats… Na Promote ka.., Hindi ka na Contractual
– Regular KA na sa Puso ko…
58. Huhulaan kita.. SA Taong ito Susuwertehin ka sa PAG IBIG…
– Kapag naging AKIN ka..
59. Gusto mo ba talagang MAGING MASAYA..
– eh di maging TAYO Na..
60. Para kang Tuktok ng Mount EVEREST..
– Handa akong mahirapan MAABOT ka Lang
61. Para kang OZONE LAYER..
– Paano na kaya ang MUNDO ko Kung MAWAWALA KA?
62. May kandila ka ba diyan? Pwede bang ipagtirik mo ako?
– Kasi patay na patay ako sayo eh..
———————————————————————————————————————————————————————–
WALA NA AKONG MAISIP, mag uupDate na lang ako, kapag may naisip o narinig o narecieve na ako na bago..
Pinagsama samang kasabihan.
April 30, 2009Mahilig ako sa mga quotes, pero hindi lahat ng quotes ay pinapatulan ko. pero tulad ng ibang mga kabataan na nahihilig sa unlimited text, isa rin akong Quote fanatic.
Mula nang nakatanggap ako ng mga quote na sinasabi ng maraming pilipino na naniniwala kay Bob Ong ay naenggangyo na rin akong ipunin ang lahat ng mga quotation na naririnig ko.
Mula sa pakikisalamuha sa ibat ibang tao at panonood ng mga cartoons at teleserye sa T.v. pati na rin sa pag babasa ng libro, pakikinig ng mga kanta, at paglilibot sa ibat ibang forums at blog sa internet ay nakaipon ako ng mga kasabihan na nanggalingsa kaibuturan ng kani kanilang mga bunganga at dahil madalas kong kinakausap ang sarili ko, ang tinatawag na self motivation ay nagkaroon ako ng ideya nagumawa ng sarili kong quote.
Wala akong pinapatawad, lahat gusto ko kahit na walang kwenta, walang kahulugan at wala lang ay nakagawa ako ng article sa Blog na ito.
“Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo, kahit na Pinapasaya ka nito. hwag mo nang hintayin na sakit na lang ang matira at mawala na ang saya.”
-Bob Ong wannabe-
“Pag pinag aagawan ka, malamang maganda ka, piliin mo yung mabuti, hindi yung mabait. Yung marunong hindi yung matalino., Yung mahal ka hindi yung gusto ka.
-Sabi daw ni Bob Ong yan.-
“Minsan Kailangan mo din ng lakas para matanggap mo sa sarili mo at masabi mo sa iba na mahina ka”.
-ABNKKBSNPLAko-
-kung pagmamahal lang ang problema mo. eh di magmahal ka pwede namang magmahal kahit wala kayong relasyon
-Ka text ko kagabi-
“hindi ka titingala, kapag wala ka sa baba,
Kailangan din kung minsan madapa”.
-Alfonso Miranda-
“Hindi masamang magpahinga kung pagod Ka na.”
-juan tamad-
“Hindi Dumadating ang Bukas, kasi ang bukas nagiging ngayon. Pero ang ngayon, nagiging kahapon.”
-gawa gawa ko lang-
“Ang pag aaral , parang chess lang yan eh. kapag nakatuntong ka na maging degree holder para ka daw isang queen. malayo ang nararating at kahit saan pwede.
Pero kung hindi ka degree holder parang chess lang din.
Pero isa ka lang pawn. pa isa isa lang ang lakad at hindi sure kung saan ka pwedeng mapadpad at kung makakarating ka nga talaga sa goal.”
-Nagtitinda ng gulay-
“Mas Madaling ngumit kapag hindi ka masaya, kesa ipaliwanag kung bakit malungkot ka.”
- textmate-
“Kung gaganti ako sa nagtraydor sa akin, Traydor din ang matatawag ko sa sarili ko. Paano ko pagkakatiwalaan ang sarili ko kung traydor din siya. at alam kung sa huli sarili ko lang ang makakasama ko na harapin ang kamatayan. Sino pa ang pwede kong mapagkatiwalaan.”
-sabi ng crush ko nung 4th year h.s-
“hindi ko kayang mapantayan ang galing ni Bob Ong”
-junjun-
“Humihirap maging masaya dahil ayaw mong pakawalan ang bagay na nagpapahirap sayong sumaya”
-shoutout sa friendster-
“Kahit anong bagal ng paglalakad mo, kung hindi ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya talaga maabutan, kahit mag stop over ka pa.”
-quotes sa text-
“Kahit gaano kaganda ang umaga, kailangan talagang gumabi”
-NATURAL-
“Ang pagmamahal sa isang tao ay katulad ng habangbuhay na pamamaalam sa sa kanya”
-Magulo-
“Ang pag ibig natin ay walang hanggang paalam”
- joey ayala-
“Loving is too short, forgetting is too long”
-paulo coehlo-
“Mas mabuting gumawa ng mabuting bagay sa taong alam mong hindi ka kayang gantihan ng kabutihan.”
-dan fogelburg-
“Habang bata ka pa, akala mo, lahat ng bagay ay panghabang buhay na.”
-Kiko-
“Ang pinakamalaking pagkakamali na magagawa mo sa buhay mo ay ang matakot kang magkamali”
-dare to fail-
“hindi ka tatama kung hindi ka tataya”
-ted hannah-
“Every blessing ignored becomes a curse.”
-paulo coehlo-
“Everything that happens once can never happen again. But everything that happens twice will surely happen a third time”
-Paulo Coehlo-
“kapag minsan lang nangyayari ang isang bagay. madalas hindi na ito mauulit pa. Pero kapag ang isang bagay ay naulit ng pangalawang beses, malamang may kasunod pang pangatlo.”
-Paulo Kwelyo-
“Wag mawalan ng ng pag asa, kadalasan ang huling susi ang nagbubukas ng pinto”
-squall leonhart-
“kung anuman ang katayuan mo ngayon ay ang resulta ng mga bagay na pinag gagagawa mo noon.”
-papakiko-
“Remember that the person’s name is to that person most important word in any language”
-Dale carnegie-
“Love is a trap. When it appears, we see only its light, not its shadows.”
-Paulo coelho-
“mahalin mo ang magulang mo habang nabubuhay sila sa mundo”
-Kapitan Sino-
“Ang isang buhay ay nagkakaroon ng kahulugan dahil sa mga buhay na naapektuhan nito”
-BRO- (may bukas pa)
“The wise are wise only because they love. The fool are fools only because they think they can understand love”
-Paulo coelho-
“Ang mabigat ay gumagaan kapag binitwan.”
-Paulo Kwelyo-
“Pinakamasakit ay ang paglayo sa taong mahal mo at ang pagtanggap sa katotohanang hindi ka hahabulin nito.”
-Boy Manyakis-
“Mas malungkot ang taong walang mauwian kaysa sa taong walang mabalikan.”
-Paulo Kwelyo-
“ Mas marami kang mare realized kapag mag isa ka.”
-Marilou Bentanez-
“Kung Gusto mo ng Bahaghari, panoorin mo muna ang ulan”.
-Paulo Kwelyo-
“Hindi ka pa tapos kapag nabigo ka na ng minsan, Pero tapos ka na kapag umayaw ka na”.
-Dare to Fail-
“Keep the faith, Drop the Fear”.
-Jose Miguel Aragon Villalobos y Buenavista Santiago Yu Jr.-
“Ang Pag ibig na nag simula sa maling paraan ay hindi tumatagal”.
-Same Person (ang haba kaya)-
“Life is an Art Without Eraser”
-Robert Pulutan-
“To love deeply in one direction, makes us more loving in all others.”
-Papemelroti-
“All Good things take times”
-Shoutout sa Fs-
“Great things comes from a small Beginings”
-Milo-
“Hindi lahat ng Love story ay may happy ending.”
-Paulo Kwelyo-
——————————–
Paalala ang mga ilan sa mga pangalan na nakasama sa blog na ito ay hindi sigurado kung tao nga o ano.
ESTUDYANTE
January 17, 2009Madami kang pwede talagang alalahanin kapag nag aaral ka, Sabi nga ng quote ni Bob Ong “Hindi mo daw malalaman kung gaano kasarap sa pakiramdam ang Suspendido ang klase, walang profesor at half day lang kayo… grabe, naranasan ko yan at ang masasabi ko lang sobrang SARAP sa pakiramdam… Pakiramdam mo, Mabubuhyan ka ng napakahabang panahon at biglang mawawala ang sakit mo.
INAY: Anak gumising ka na at papasok ka pa, tanghali na (kahit wala pang araw, tanghali na para sa ina.)
ANAK: Nay, may sakit po yata ako, masakit po ang ngipin ko, ang ulo ko at ang tiyan ko….
RADYO (A.M.): Suspensido ang pasok sa lahat ng antas sa buong kamaynilaan ngayong araw na to….
ANAK: Nay Nawala yung sakit ng katawan ko, paa ko at sipon ko…. Magaling na ako!!!!
—————————————–
Kakaibang ligaya talaga ang mararamdaman ng mga batang maga aaral kapag higit sa isang araw ang pagsususpinde ng klase at ang Holiday, Pero kadalasan ay inililipat na ang lahat ng holiday sa araw na malapit sa Week end. Kung Martes ang araw birthday ng paboritong kabayo ng pangulo, gagawin niyang lunes o kya kapag nasa huwebes ang holiday, gagawing biyernes, para nga naman tuloy tuloy at hindi na tamarin pa ang mga estudyante..
ESTUDYANTE…. Ngayon kapag nasa Pampublikong Jeepney ka o kaya Bus, magsabi ka lang na Esyudyante ka, may discount ka sa Driver… Pabor ako don, kasi lagi kong ginagawa yun. Hindi na nawawala yung Salitang “ESTUDYANTE” Kapag sasakay ako ng jeep. “MA, bayad dyan lang sa Recto,…”ESTUDYANTE”… tapos bigla akong sinagot ng Driver….. “I.D. mo?..” Badtrip, naka uniporme na nga ako, nagduda pa sa kin…. Hindi pa siya nagsukili…
Nag abot din ng bayad yung Matandang nakasakay ko sa nasabing Jeepney (siguro ang edad niya, mga 45 na.) at katulad ko sinabi niya rin ang salitang “ESTUDYANTE” pagkatapos iabot ang bayad, at hindi rin siya nakawala sa Mata ng Driver, ganon sa mga iba pang nakasakay… At kahit hindi siya nagsasalita, parang alam ko na yung gusto niyang sabihin… “BAKIT, mga Bata lang ba pwedeng maging estudyante???….” Nakataas ang kilay ng manong…
Napaisip ako, OO nga naman, bakit ba hindi natin matanggap na pwede ka pa ring maging estudyante kahit na lagpas ka na sa limitasyon mo… Sabi ng Kuya ko dati, walang Age limit ang Edukasyon… Marami na akong narinig ng kasi ng ganyan. matatandang mag aaral.
Si Sharon Cuneta nga diba nag iiskul pa..
ISKUL (School) — Magsisimula ang mga natututunan ng mga tao, Sumulat, Bumasa at Mag Plus, mag minus, mag times, mag divide at mag english…
ENGLISH - Maraming Jokes tungkol sa mga hindi marunong mag english… ginagawa na lang na katatawanan yung Hindi marunong o hindi naiintindihan na pinag aralan. Pero ang alam ko lahat ng Pinoy marunong mag english… “Kuya, Pa LOAD….” “Ate, napanood mo yung bagong COMMERCIAL kanina?” “Tay nasaan yung SCREW DRIVER at PLIES?” Ate, Pa CD-BURN po, at Pa RENT na rin… ONE HOUR lang po…, “Pa DOWNLOAD naman ng kanta sa MP3 ko… “na SNATCH yung CELLPHONE KO, bwiset… G*go ka Tol, FU** YOU ka!!!!”
Sabi ko na nga ba walang taong hindi marunong mag english eh. depende na lang siguro sa gumagamit. May mga bagay na pwede naman talagang matutunan… Hindi mo lang Hilig o ayaw mo lang talaga.. nasa sayo naman yan eh.
“BADTRIP tol, BREAK na Kami ng GIRLFRIEND KO…”. O diba lahat ngayon marunong nang mag english.
Marami lang kaming reklamong mga estudyante, tungkol sa English subject na yan, kasi may mga dapat ka pang intindihin na ang ginagamit mong english ay noun, pronoun. predicate o adjective, ewan… Hindi ako magaling dyan sa English pero marunong ako….
“Walanghiya yung CRUSH” ko, may syota na… WAHHHH!!!!
————————————–
CRUSH.. — Ang isa sa Talagang Hindi mo malilimutan ang Kapag Estudyante ka ay ang Crush crush na yan.. Kahapon nagpa PRINT ako ng PICTURE kasama ko yung Kaibigan kong babae na lihim at tunay kong Sinisinta sa Pangarap at sa Future pero hindi niya alam… pero hindi tungkol sa aming dalawa ang pag uusapan, kundi tungkol sa mga bata na siguro ay Grade three pa lang yata o Grade two, basta bata… nagpapa print din siya ng picture at pina print niya ay yung picture ng kaklase niyang Lalake na Crush niya..
Batang bata!!! Pwede ka nang magka Crush sa kahit anong edad, Hindi na mapipigilan yan.. Hindi na mawawala yang Damdaming yan sa tao. Sabi ng IMAGINARY FRIEND kong PSYCOLOGIST, HEALTHY daw ang magkaroon ng CRUSH ang isang tao, Kasi daw isa itong Daan para sa tinatawag niyang “MATURITY”.. hindi ko maintindihan pero ang pagkakaintindi ko lang, isa itong paraan para ayusin ang Istilo ng pamumuhay ng tao, bilang indibidwal na nabubuhay sa mundo.
Halimbawa, Si kiko ay hindi nagsisipilyo dati, pero dahil nakilala niya si myka, na Crush niya, mapipilitan na siyang magpatule…. at magsipilyo…. Babaguhin niya ang sarili niyang buhay at magle LEVEL UP ang kanyang pisikal na kaanyuan at makakatulong ito para magkaroon siya ng Confidence sa sarili… Pero Bilang isang nakatatanda, dapat mong gabayan ang nakababata mong kapati o anak mo na yan kapag dumadating sa ganyang mga usapin.. Kahit bata pa yan, pwede din sila maging malungkot dahil pwede silang ma HEARTBROKEN”, at bilang nakatatanda at napagdaanan na ang mga bagay na yan, dapat lagi kang nandyan bilang gabay.,, AYOS BA?
Ang crush crush na ya n kahit anong pag iingat mo, pwede yang mauwi sa mas malala na sitwasyo.. pwede yang usaping ”LOVE LOVE” na yan o ang tinatawag na INFATUATION na yan,
INFATUATION —- Kapag Sinabing INFATUATION, ang nabubuo kong larawan sa isipan ko, ay yung nangyayari sayo pagkatapos mong kumain ng kumain ng marami at biglang sumakit yung tiyan mo… “Inpatcho”
Joke lang, INFATUATION, hindi ko gaanong alam yang salitang yan pero ayon sa mga nagmamaruinong kong mga kaibigan, ang infatuation daw ay katulad din ng Paghanga o crush crush na yan, Yun nga lang mas sira na yung ulo mo dahil, hindi ka na patutulugin at hindi ka na pakakainin ng salitang yan… Parang Virus na Hindi pa natutuklasan ang gamot, Makikita mo na ang sarili mo na Hangang hanga ka sa Isang tao dahil ang galing galing niyang sumayaw, kumanta, ang tali-talino niya pa. Nagbe breakdance pa siya at pumapatay yung mga ngiti niya… Tapos Dahil parang ang MATURE MATURE niyang tignan at maiisip mo na “ANG SARAP SIGURO NITONG MAGING GIRLFRIEND/BOYFRIEN.” at nasasaktan ka na lang kahit walang dahilan, kapag Nag e EMOTE EMOTE ka pa diyan, o kay anag se SELF PITY ka sa sarili mo na akala mo kapag hindi siya ang naging Syota mo o Naging asawa mo sa FUTURE ay mamatay ka nang maaga…
sa madaling salita Gaya ng Impatcho, ang INFATUATION ay hindi mainam sa katawan… Pero hindi maiiwasan kasi masarap ang kumain ng kumain at masarap ang ma INLOVE ng ma INLOVE…
LOVE — Mas malala yan pero hindi ko malilimutan nung ako ay nasa elementarya pa lamang at ito ring HIGHSCHOOL ako, usong uso yung “SLUMBOOK” yung cute na notebook na isusulat mo ang buong pagkakakilala mo sa sarili mo, NAME, NICKNAME, AGE……… MOST EMBARRASING MOMENT, UNFORGERTABLE MOMENT, WHO IS YOUR FIRST KISS?, MOTTO at ang pinakasikat na tanong at imposible nang hindi mawala sa SLUMBOOK na yan ay ang “WHAT IS LOVE?”
WHAT IS LOVE? nakita ko yung SLUMBOOK ng ate ko nung siya ay HIGHSCHOOL at ako ay GRADE TWO pa lang, sumagot din pala ako ng SLUMBOOK na yan at ang sagot ko sa popular na tanong na WHAT IS LOVE ay “LOVE IS A KIND OF DOG”. Seryoso!! Labrador ang pagkakaintindi ko sa LOVE na yan dati. nakakahiya (hindi ako nag joke ah.)
Ang madalas na sagot na nabasa ko sa SLUMBOOK na nabasa ko sa WHAT IS LOVE ay “LOVE IS A ROSARY THAT FULL OF MYSTERY”. at ”LOVE IS BLIND. Nasa STATISTICS yata yang ng mga Nagse SURVEY.
————————————–
Kapag Estudyante mas marami ka pang malalaman sa mundo pero pwede ka rin naman maging ESTUDYANTE kahit Hindi ka Pumapasok sa ESKWELAHAN, Mas malaking Unibersidad nga lang ang pwede mong pasukan at ay ang “HIRAP NG BUHAY”
HIRAP NG BUHAY UNIVERSITY — Minsan Hindi kasalanan ng Mga tao kung hindi sila nakapasok sa eskwelahan pero nakapasok naman sila sa isang mas malaking Unibersidad sa mundo na kung tawagina g kahirapan, Mas mulat sa totoong nangyayari sa Mundo, Yung iba kinakailanga na magbanat ng buto kahit na napakapayat at napakabata pa. Kapag tinanong mo ang isa sa mga bata na napaka galing ng magmura at napakabilis nang tumakbo, kung gusto nilang mag aral, ang ilan sa kanila gustong gusto, pero wala ng pagkakataon ang iba naman, ayaw talaga, mas gustong magtrabaho, tutal kapag nakatapos naman daw sa pag aaral ay magtatrabaho din bakit kailangan pang mag aral kung kumikita na., Yung ibang mababait, Isinasakripisyo ang sarili para makapag aral lang ang mas nakakababatang kapatid o ang mas matalinong kapatid, Naniniwala sila na kapag nakatapos na ang pina aaral nila ay sila naman ang susunod na mag aaral, Pero nagkaka dramahan kapag ang isnaasahan na yun ay nawala lang bigla ang ang gana sa pag aaral o kaya da iba na napapadpad imbis na sa Eskwelahan. sa ibat ibang masamang bisyo.
BISYO —- Pinaka masamang pwedeng mangyari sa isang estudyante na mahilig sa Adventure, (GAGAWA AKO NG IBANG PAGE TUNGKOL SA DRIGS NA YAN)
Pero basta ang alam ko, DAPAT IWASAN ANG PAG GAMIT NG BAWAL NA GAMOT…
———————————————————————-
SARAP NG BUHAY ESTUDYANTE, Hindi maiiwasan na may dumating na araw na hindi laging sayo ang swerte, Pero ang Pinaka matibay na Sandata sa pag aaral ay ang BASIC na payo “MAG ARAL NG MABUTI”, Saka na ang lovelife na yan. “Mangangamatis din ang mukha ng cute mong Crush na magaling mag harlem”
Kung naniniwala kang mahal mo talaga siya, eh patunayan mo sa pamamagitan ng “ikaw ang mag ayos, mag aral kang mabuti, maging pinaka masipag ka sa buong klase at paglaki mo, malalaman mo na ang pinakamahalaga sa Pagiging Estudyante ay ang “PAGPAPAHALAGA SA MGA NATUTUTUNAN at PAGPAPAHALAGA SA MGA TAONG NAGING DAHILAN at narating mo ang iyong matayog na kinahinatnan..
SALAMAT..
Highschool life.
January 13, 2009Para sa 4th year highschool, malapit nang matapos ang mga maliligayang araw ninyo. HAR…HAR…HAR… Malapit na kayong mag college, pero karapatdapat ka nga bang mag college ayon sa sarili mo? naku!!
Magmumukha akong nagmamagaling sa mga payo payuhan ko, pasensiya na po. Hindi naman ako nagma mature maturan eh pero magkukwento lang po ako tungkol sa Pinagdaanan ko nung easy easy pa sa akin ang buhay… ang buhay bata… buhay estudyante…
Nung bata pa ako, tinatanong na ako ng tatay ko kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. wala pa kong nasagot nun, tinanong niya yung habang nanunood ako ng japanese super hero series na “Fiveman”. (natatandaan nyo pa?.) at naisip kong gusto kong maging isang Fiveman. pero hindi pala pwede yun. kasi hindi ako hapon. Scientist na lang. kasohindi ako mahilig sa science, sabi ko sa tatay ko, gusto ko lang manood ng t.v.
Lumipas ang ilang araw, dinala ako ng tatay ko sa isang lugar na hindi ko masyadong nalalaman. ieenroll nya pala ako. hindi ko pa alam
ELEMENTARY
Grade One. Pumasok ako sa school nang hindi ko pa alam na school na pala yun. ewan ko ba kung bakit ako pinasok ng tatay ko sa school kahit na 6 years old pa lang ako at pangalan ko lang ang alam kong isulat noon.
Kahit na magbilang ng 1 to 20 ay sumasablay pa ako. Pero kahit paano ay talagang natuto na pala ako ng hindi ko alam.
Grade Two. Panghapon ako, pumapasok ako ng 10:30 ng umaga at umuuwi ng 5:00 ng hapon. Sa pagkakataong ito ay nagpakitang gilas ako sa pag aaral, sanhi siguro ng pakitang gilas ng tatay ko sa Math siya ang nagturo sa akin ng multiplication. at pag inom ko ng gatas araw araw at pagkain ng araw araw ng champorado.
Sa school ay nagagamit ko ang itinuro sa akin ng tatay ko at kuya ko. (naging 3rd place ako at nabigyan ngparangal bilang most buraot of the year sa gawad utak tinga awards.)
Grade Three. Napasama ako sa Pilot section dahil sa nakuha kong awards na tiyambahan ko lang naman talaga. Hindi ko gusto yung mga kaklase kong mayayabang at mayayaman. masyado silang mataas na uri para sa mababang uring katulad ko. nariyan yung mga palakihan ng baon, pagandahan ng sapatos at kung makakita sila ng sapatos na medyo may kalumaan ay tatawa sila ng tatawa na parang nakapanood ng show sa Punchline laffline at sa circo bar.
Hindi ko sila naging kaibigan maliban sa isang batang babaeng cute na una kong hinangaan bilang cute na kaklase. (crush na pala ang tawag dun nang hindi ko pa nalalaman.)
Grade Four. Kaklase ko nanaman yung mga mayayabang na yun at pati si first crush ay nakisalamuha na rin sa mga mayayabang kong kaklase at naiwanan na akong mag isa at laging pinagtatawanan dahil sa lawsi kong pananamit.
Dito na yung panahon na una akong nakipag away dahil sa panununtok ng kaklase ko sa kin dahil sa nawala ko ang ballpen niya at na guilty din naman ako dahil mahal na mahal niya din pala talaga yung ballpen niya. (APACHE DE LUX) tatlong piso palang noon ang ballpen na yun.
Grade Five. Sa wakas ay hindi na ako Pilot section at napasama ako where i belong. (hindi ako kapuso.) Napasama ako sa Section 3. at mas naging komportable ako sa secion na yun dahil nakasama ko na yung mga kaklase ko noong grade one at two.
dito ko rin nakilala yung kaklase ko na na magaling magdrawing at na ingganyo ako sa kanya dahil tinuruan niya akong mag drawing.
Grade Six. Nang hindi na ako nasisisyahan sa puro drawing na ipinapakita ng kaklase ko. Nakilala ko sa panahong ito sila
Gumawa kaming tatlo kasama ang pa epal kong kaklase ng isang komiks. dahil ako lang ang hindi marunong mag drawing sa kanila ay inatasan akong ako na lang ang gumawa ng script. Sa pagpaplano palang ay sabik na sabik na kaming mabuo ang komiks na yun.
Una kong ginawa ay nag isip ng kwento at paano tatakbo ang kwento. tapos karakter. tapos script. tapos isusulat ko sa papel at ibibigay ko sa kalase ko. Medyo may hawig daw sa Magic Knight Ray earth at Zenki ang kwento pero nagustuhan nila. at sinimulan na nilang idrawing ang mga kabalbalang tumatakbo sa isip ko. at makalipas ang isat kalahating buwan ay nag rekalamo ang kaklase ko sa akin dahil masyado daw mahaba ang kwentong isinulat ko. kailngan daw iklian.
Dahil sa tinatmad ako, sinabi ko na lang sa kanila na sila na ang bahala. tutal sila naman ang nagdodrawing eh.
at natapos ang kaunaunahan kong gawa gawang kabalbalan na kwento ang “KEDDEN”.
Nang mag higschool ako ay hindi ko na nakita pa ang komiks at ang kalase ko. nabalitaan ko rin na sunog ang bahay nila noon. kaya inisip ko nalang na wala akong ginawa.
Highschool na -
First Year. Bagong Environment kaya medyo nangangapa pa ako sa kultura ng makabagong mundo ng pakikipagsapalaran ng Narrator.
Kaklase niya dito yung klasmeyt niya noong elementary. yung mataba niyang kaklase at dahil doon ay hindi na kami nahirapan na maglakbay sa Campus ng mag isa.
Bago ang pinag aaralan. Philippine history, Mula sa kung anong klaseng tao ang tumira dito sa pilipinas hanggang sa maging presidente si Erap noong 1998. Halo na ang karakter ng mga kaklase ko may mayayabang, matatalino, may mga cute pero hindi ako na attract sa kanila. may patawa, paepal, papogi at naghahanap ng boyfriend/ girlfriend.
Second Year. Sumikat muli sila
Nagkasakit ako nang mahigit sa dalawang buwan. Marami ang nag akala na mamatay na ako. at inakala ko rin na mamamatay na ako. pero dahil sa Tiyaga ng mga magulang ko sa pag aalaga sa akin at sa awa ng Diyos ay gumaling ako sa nasabing sakit. at para kaong dumaan sa Chemo therapy dahil nalalagas ang buhok ko at pumayat ako na parang buhay na Zombie.
Pinagtatawanan ako ng mga feeling magagandang babae sa labas ng bahay namin dahil sa nalalagas kong buhok. (tipos daw ang sakit ko at talagang pinapatay nila ako sa isipan nila.) (lalo akong naging pangit.)
Third year. Saka ko lang napansin ang mga kaklase kong naiiba na ang hanap, hindi na sila puro computer, o puro lakwatsa sa mall at wala nang shoplifter. maayos na ang pagmumukha nila, mukhang nagmamature na. Ilang pa sa napapansin ko yung iba kong mga kabarkada sa school, may mga kasama nang mga babae. pito kami sa grupo, sama samang naglalakad sa mall, lahat ng anim, may kasamang babae, ako lang ang wala.
May sinabi yung isa kong panget na kaklase,Sabi niya “maghanap ka na kasi ng liligawan mo, para magka syota ka na,” Sabi ko sa kanya “ayoko, hindi ko pa naiisip ang mga bagay na yan.
Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakaramdam na gusto kong ligawan ang mga babaeng nakakasalamuha ko, nagiging kaibigan ko naman sila pero hidni ko sila nagugustuhan. Nagkaka crush ako pero Crush ko lang siya pag nakikita ko siya, pero kapag wala na siya sa paningin ko, hindi ko na siya naiisip. Kaya alam kong hindi pag -ibig yun.
Ayaw ko namang manligaw sa isang babae kung dahil lang nagpapadala ako sa “Peer Pressure” (kung tawagin ng mga Psychologist. - nangyayari kapag parang naiingit ka sa mga tao sa paligid mo, dapat meron ka rin ng bagay na na meron sila.)
Hindi ako nakakaeamdam ng Pagmamahal sa kahit kanino sa School na pinanggalingan ko nung highschool, kaya hindi ako nanligaw, kaya hindi ako nagka girlfriend.
Dumating yung araw ng mga puso, at kailangang umatend ng mga 3rd year at fourth year sa sa Tinatawag na “Junior, Senior Prom” J.S na lang. Alam ko yung ginagawa dun kasi nakanood na ako dati ng sayawan, Sayawan yun.
Ang daming malalagim na kwento ang naririnig ko sa mga nagdaan na Session na yun, Sabi ng iba lalo na yung mga babae, nakaka kilig daw, twice in a lifetime lang daw yun dapat puntahan at hwag palalagpasin, hindi na maiilit pa ang mga sandaling maisasayaw mo yung Girlfriend mo, Crush mo, niligawan mo, Teacher mo, kaklase ko at sarili mo. Ayos lang ang lahat gusto kong pumunta para mag asar, pero dahil sa insidente na wala akong maisusuit na pormal na damit, hindi na lang ako pumunta. SAYANG…
Fourth Year -
bago magpasukan para maging fourthyear, natutuwa akong nagbabantay ng internet cafe sa lugar namin, pero hindi samin sa kaibigan ko. ewan ko ba pero natutuwa ako sa nakikitang kong batang babae, grade 4 lang siya nun. CUTE eh… yun lang…sarap niyang gawing manika ng mangkukulam.
(Adlib lang yun)
Pagbalik ko ng School bilang 4th year, napansin ko na maraming payo ang mga teacher kung ano ang magiging buhay namin pagkatapos ng highschool,
itong fourthyear ako, wala akong paki alam sa mga kung ano ang mangyayari sakin at sa mga kaklase ko pagdating panahon. Hanggang sa nalaman kong bilang na pala ang araw na makakasam ko ang kaibigan, ang paaralang minsan kong inayawan, ang mga teacher na gusto kong ipakulam, ang mga Crush kong nagpapa cute, hindi naman masyadong cute.
Sa wakas makakalaya din sa kulungan
————————————————————————————–
Kapag sinabi mong Highschool ay napaka memorable talaga. dahil madalas dito mo mararanasan ang pagsisismula ng kalokohan sa mundo at dito na tumutubo ang sungay mo, o sungay ng anak mo. kaya kung highschool ka na o ang anak mo malamang na
1. magpapabili na ng cellphone ang anak mo. (N series.)
2. madalas na tulala (malamang niyan kundi adik baka inlove.)
3. nagbabago ang boses (natuto sumagot ng pabalang)
4. tumutubo ng senyales ng pagpupuyat sa mukha. (dahil siguro sa mani.)
5. matagal makipag usap sa telepono. (minsan ginagawa lang mic yung telepono at doon nag coconcert.)
6. tataas ang presyo ng Field trip.
7. madalas na magkaroon ng Field Trip.
8. Hihingi ng pambili ng project
9. hihingi ulit ng pambili ng project.
10. sa maniwala ka o sa hindi hihingi ulit ng pambili ng project.
11. madalas na may group study kuno sa bahay ng classmate. (kasing laki ng MOA yung bahay ng classmate.)
12. umuuwing lasing
13. matututong magyosi.
Sari sari na ang buhay na nangyayari sa buhay ng higschool ,dito nade develop ang kalokohan ng bata, dito nakikita talaga ang isang ugali na madalas na napapansin.
bakas sa mukha ng Highschool student kung siya ay in love, o may ginagawang kalokohan. (opinyon ko lang.)
Pero dito sila makakakilala ng “LOVERS”, “LOVE INTEREST”, Crush, Mortal Enemy.
Nagsisimula nang harapin ang sariling opinyon, sariling pananaw at nakikilala ng husto ang sarili.
Nagsisimula nang maging mayabang, magpaganda, magpa pogi. mawawala na ang pagiging makapal ang mukha o buraot at natuto nang mambastos ng nakakatanda.
puro kalokohan naman kasi ang iniintindi ng ibang Highschool student dahil sa impluwensiya ng barkada o kaibigan.
siyempre magsisismula nang makipag usap ng maayos at hindi na nahihiyang makipag usap o ibunyag ang feelings sa kanyang crush.
Manliligaw ang isang lalaki
Pakipot ang babae at kunwari walang paki alam sa lalaki
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti.
kapag na bad trip si lalaki sa sobrang pakipot ni babae…..
Badtip din si babae “Pero Denial pa rin”
Manliligaw si Lalake ulit
Sa una magpapakipot ng konti ang babae pero mas nice na siya ngayon.
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti. pero hindi na kasing tindi nung una kasi inulit na lang kaya wala nang thrill.
magtatapat na si lalaki sa pamamagitan ng pagtatanong ng “Mahal mo ba ako?”
sasagot si babae ng “HINDI eh sorry ah.”
(masasaktan si lalaki) pero playsafe at sasabihin ang ganitong kataga. “BAKIT SINABI KO BANG MAHAL KITA?.
Babawi si babae at sasabihin na ” Ganon?! Mahal din kasi kita eh.”
babawi si lalaki at sasabihin na “Mahal talaga kita eh.”
Babawi si babae at sasabihing “JOKE LANG KAW NAMAN DI KA MABIRO!!!!”
at babawi din si lalaki dahil ayaw mapahiya, “Joke lang din…
Repeat Till Fade….
Mga hula sa 2009
December 30, 2008Kapag happy new year sa january at february lang kayo masaya pero kapag Happy Coming Year, buong taon masaya kayo….
Maghuhula ako eh
Sa mga pinanganak ng
January - Ubos na ang pera ng mga magreregalo sa inyo sa birthday nyo, kaya hwag mag expect.
February - Hwag na ring mag expect sa birthday lalo na yung may syota.
March - Bayaran na ng Tuittion kasi malapit nang mag finals
April - Holy week, masama mag labas ng Pera
May - Makisabay na lang sa pag diriwang ng piyesta para tipid
June - Pasukan kaya mas kailngan ng pang matrikula ang mga tqao kaya hwag nang mag expect ng mag reregalo sa inyo.
July - Maulan sa labas baka magkasakit kapag lumabas para lang ibili ka ng rgalo
August - Maulan parin
September - swerte ka kapag may nagregalo sayo kung bday mo ay nasa Setyembre pero asahan na nagtitipid na ang ilan dahil sa nalalapit na kapaskuhan
October - dumoble ang pagtitipid dahil Second Sem na.
November - Undas na kaya magastos sa kandila at nagtitipid pa rin dahil magpapasko nanaman next month
December - hintayin mo na lang ang pasko, pero kawawa ka namang may birthday ng December kasi hindi mapapansin ang birthday mo.
Hindi kay Bob Ong Ang Mga quote na ito
Kalat sa Text sa Mga cellphone ng mga may cellphone ang mga Love quotes, jokes, inspirational, brain twister, kulam report, huruskop (horoscope) at kung ano ano pa…
sikat na sikat din ang author na nagtatago sa pangalang Bob Ong na may paniniwala ang ilang mga tagapagsubayby na hindi niya talaga totoong pangalan.
May mga libro si Bob Ong, Anim at ito ay naglalaman ng mga Sarili niya ring paniniwala, opinyon at nakakatawang pananaw pero may aral at mapapaisip ka talaga.
Ang daming humahanga sa kanya kaya maraming gumagaya sa istilo niya ng pagsusulat kabilang na ang nagsulat ng nakaka antok mong binabasa sa computer ngayon.
Kaya sumikat ang mga quotes na kumakalat na si bob Ong daw ang may gawa..
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
20. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
21. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
22. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
23. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
24. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
25.Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaring mawala.
26. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”
in -update ko ngayon lang… yung mga quote na ito ay hindi pa rin ako sigurado kung kay bob ong nga o hindi… malay nga ba naman natin..
dinagdag ko yung pang blg.25 t 26. sa facebook ko nabasa yan. hehehe PEACE NA..
Panimula
Ako po si junjun, hindi ko na aartehan ang pangalan ko at hindi na ako maglalagay ng petname , codename , internet name. nickname na lang wala nang arte
may nag yaya sa akin ng mag blog daw ako. Salamat sa kanya at nagpa uto ako.
Sa nauna kong blog medyo, puro mga ka immature -an na pananaw sa buhay ang mga mababsa mo, medyo mababadtrip ka lang. kaya siguro wag mo na pangarapin na basahin. Pero sinisiguro ko sa inyo na mas mababadtrip kayo sa blog na mababasa nyo kung magtiyatyaga kayo. well then.. Goodluck na lang sa atin…
yung nauna kong blog, hindi ko na makita ang link kaya, magsisimula nanaman ako.
Medyo nakahiligan ko lang kasi ang kausapin ang sarli ko at pakinggan ang sinasabi ng utak ko kahit na alam kong ako lang naman ang nakikinig at natututo sa mga sinasabi ko.
Sa nauna kong Blog blagan Walang nagko comment, sa loob ng isang taon hinintay at pinangarap na sana ay may makabasa man lang at magbigay ng panlalait sa blog ko pero kahit isa wala. HUHUHU (kawawa naman ako…)
Nung bata pa ako mahilig akong maglaro ng tautauhan at ang laro ko ay parang isang cartoons., isang cartoons na sinusubaybayan ko. hindi ko na kailangan pang maghintay ng bukas para sa susunod na episode. hindi ko na problema ang sets, location, artista, hindi ko na kailangan pang mag drawing o pagalawin yung drawing at hindi ko na kailangan pa ng pera o makakalaro. Sarili kong Produksyon, ako lang ang tagapagsubaybay, ako ang gumawa ng Script, ako ang director at ang mga Gomang Laruan na usually ginagamit ng mga batang naglalaro ng “touching” ay ang mga tauhan ko. yung mga gomang action figure nila Eugene ng ghost fighter, Spiderman na yupi, batman na maliit, gokou ng dragon ball na mukhang dwende at kung ano ano pa.
Ang sarap balik balikan yung mga panahon kung saan di mo na kailangan pang problemahin yung crush mo, yung problema mo sa pamilya, yung problema mo dahil babagsak ka sa subject mo, yung problema mo sa Thesis mo at problema mo sa mga langaw.
Gumagawa ako ng istorya ng sarili ko lang at walang makikialam kung panget ba o maganda yung istorya. kung ginaya ko lang o orihinal yung istorya, kung mag re rate ba o hindi. ang nasa isip ko lang basta masiyahan ako yun na yun. kahit na hindi naman ako sumesweldo basta nasisiyahan ako at walang paki alam ang maga tao sa mga sinasabi ko at sa gusto kong istorya.
wala silang paki alam kung gawin kong kontrabida si Robin na Sidekick ni Batman. o gawin kong Spawn ni Venom ng Spiderman. o gawin ko mang darna si sailormoon. kasi ako lang naman ang nakaka alam. at wala silang paki alam kasi yun yung mundo ko.
Pero pakiramdam ko hindi lang naman ako ang gumawa ng ganoon, ang mga babaeng bata ay naglalaro ng bahay bahayan. luto lutuan, ginagawa nilang baby yung manika at pagkatapos paglaruan ay gagawing contender sa WWE. nagpapabili ng sangkatutak na stuff toys sa mga magulang at gagawing mga terorista at gagawa ng sarling Doll House.
at lahat ng mga ito ay nagmula sa imagination ng isang bata, at naniniwala ako na kahit hanggang sa pagtanda ay nananitili pa rin ang pagkagusto natin sa paglalaro ng mga laruan, kahit na sa pamamagitan ito ngayon ng mga makabagong teknolohiya gaya ng “PSP”, “GameBoy” Playstation 1 ,2 and 3, at kung ano ano pa. Pero alam kong sa tuwing nanonood ang mga matatanda ng mga Pelikula sa Pirated DVD o kahit sa Sinehan at di nila nagustuhan o nagustuhan nila yung kwento ay naiisip pa rin na dagdagan ito, kung bitin ka sa kwento maari kang maglagay ng part two kung gusto mo sa isip mo at maari mong isipin na ikaw ang bida. Pwede kang mag komento kung panget o maganda ang kwento, kung paanoorin mo pa o hindi na. (kaya lang kung napangitan ka sa kwento at inereklamo mo sa Production, example New Line Cinema, Siguraduhin mo lang na may pera ka o sapat na kakayahan para Libel na ikakaso sayo, kung hindi mo mapapatunayan na panget nga ang kwentong kanilang ipinalabas.)
at maaari kang mag komento sa mga problema sa Bayan. Politika, Pag ibig at kahit sa labanan ng ABS CBN at GMA 7.
at sa pakiwari ko’y naimbento ang ganitong klaseng Website sa Internet para isulat kung ano ang tumatakbo sa isip mo at kung ano ang maari mong paniwalaan o paniniwala.
Maari mong ilabas ang sinasaloob mo at Maari kang mag kwento ng mga nangyari sa buhay mo tulad halimbawa ay nadapa ka sa kanto at pinagtawanan ka ng mga bata. o kung ano ano pa.
Amature pa lang ako sa pag gawa ng Blog at wala din naman akong masyadong karanasan para magkwento ng magkwento ng kung ano ano.
Hindi pa ako nagkakaroon ng isang romantikong relasyon at wala akong alam tungkol sa pag ibig. NGSB ako (National Geographic Sales Book)
pero pag ibig ang gusto kong topic sa blog ko. Para kasing naniniwala ako na lahat ng kabobohan sa sarili ay nagsimula sa pagkakaroon ng Pag ibig sa buhay.
(isa sa mga immature kong paniniwala)
kakaunti pa lang ang napuntahan kong lugar at bobo pa ako sa lahat ng bagay.
kaya kung may masasabi man ako sa mga susunod kong Blog episode na hindi sasang ayunan ng panga mo o utak mo. malaya ka.
dahil lahat ng sinasabi ko ay “HAKA HAKA NG ISANG WALANG KWENTANG TAO.”
Paniniwala ng isang matandang bata, opinyon ng wala pang alam sa mundo kundi kumamot ng ulo.


