Home » Archives » December 2008
BABALA:
Ang mga mababasa sa Blog na ito ay pawang mga Immature na paniniwala lang ng isang taong bobo at nagmamarunong, wag paniwalaan ang lahat.

Mga hula sa 2009

December 30, 2008

Kapag happy new year sa january at february lang kayo masaya pero kapag Happy Coming Year, buong taon masaya kayo….

Maghuhula ako eh
Sa mga pinanganak ng

January - Ubos na ang pera ng mga magreregalo sa inyo sa birthday nyo, kaya hwag mag expect.

February - Hwag na ring mag expect sa birthday lalo na yung may syota.

March - Bayaran na ng Tuittion kasi malapit nang mag finals

April - Holy week, masama mag labas ng Pera

May - Makisabay na lang sa pag diriwang ng piyesta para tipid

June - Pasukan kaya mas kailngan ng pang matrikula ang mga tqao kaya hwag nang mag expect ng mag reregalo sa inyo.

July - Maulan sa labas baka magkasakit kapag lumabas para lang ibili ka ng rgalo

August - Maulan parin

September - swerte ka kapag may nagregalo sayo kung bday mo ay nasa Setyembre pero asahan na nagtitipid na ang ilan dahil sa nalalapit na kapaskuhan

October - dumoble ang pagtitipid dahil Second Sem na.

November - Undas na kaya magastos sa kandila at nagtitipid pa rin dahil magpapasko nanaman next month

December - hintayin mo na lang ang pasko, pero kawawa ka namang may birthday ng December kasi hindi mapapansin ang birthday mo.


 

Posted by junjun at 7:58 pm | permalink | comments[4]

Hindi kay Bob Ong Ang Mga quote na ito

Kalat sa Text sa Mga cellphone ng mga may cellphone ang mga Love quotes, jokes, inspirational, brain twister, kulam report, huruskop (horoscope) at kung ano ano pa…

sikat na sikat din ang author na nagtatago sa pangalang Bob Ong na may paniniwala ang ilang mga tagapagsubayby na hindi niya talaga totoong pangalan.

May mga libro si Bob Ong, Anim at ito ay naglalaman ng mga Sarili niya ring paniniwala, opinyon at nakakatawang pananaw pero may aral at mapapaisip ka talaga.

Ang daming humahanga sa kanya kaya maraming gumagaya sa istilo niya ng pagsusulat kabilang na ang nagsulat ng nakaka antok mong binabasa sa computer ngayon.

Kaya sumikat ang mga quotes na kumakalat na si bob Ong daw ang may gawa..

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”


17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

20. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

21. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

22. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

23. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”


24. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

25.Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaring mawala.

26. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”

in -update ko ngayon lang… yung mga quote na ito ay hindi pa rin ako sigurado kung kay bob ong nga o hindi… malay nga ba naman natin..

dinagdag ko yung pang blg.25 t 26. sa facebook ko nabasa yan. hehehe PEACE NA..

Posted by junjun at 7:07 pm | permalink | comments[9]

Panimula

Ako po si junjun, hindi ko na aartehan ang pangalan ko at hindi na ako maglalagay ng petname , codename , internet name. nickname na lang wala nang arte

 may nag yaya sa akin ng mag blog daw ako. Salamat sa kanya at nagpa uto ako.

Sa nauna kong blog medyo, puro mga ka immature -an na pananaw sa buhay ang mga mababsa mo, medyo mababadtrip ka lang. kaya siguro wag mo na pangarapin na basahin. Pero sinisiguro ko sa inyo na mas mababadtrip kayo sa blog na mababasa nyo kung magtiyatyaga kayo. well then.. Goodluck na lang sa atin…

yung nauna kong blog, hindi ko na makita ang link kaya, magsisimula nanaman ako. 

Medyo nakahiligan ko lang kasi ang kausapin ang sarli ko at pakinggan ang sinasabi ng utak ko kahit na alam kong ako lang naman ang nakikinig at natututo sa mga sinasabi ko.

Sa nauna kong Blog blagan Walang nagko comment, sa loob ng isang taon hinintay at pinangarap  na sana ay may makabasa man lang at magbigay ng panlalait sa blog ko pero kahit isa wala. HUHUHU (kawawa naman ako…)

Nung bata pa ako mahilig akong maglaro ng tautauhan at ang laro ko ay parang isang cartoons., isang cartoons na sinusubaybayan ko. hindi ko na kailangan pang maghintay ng bukas para sa susunod na episode. hindi ko na problema ang sets, location, artista, hindi ko na kailangan pang mag drawing o pagalawin yung drawing at hindi ko na kailangan pa ng pera o makakalaro. Sarili kong Produksyon, ako lang ang tagapagsubaybay, ako ang gumawa ng Script, ako ang director at ang mga Gomang Laruan na usually ginagamit ng mga batang naglalaro ng “touching” ay ang mga tauhan ko. yung mga gomang action figure nila Eugene ng ghost fighter, Spiderman na yupi, batman na maliit, gokou ng dragon ball na mukhang dwende at kung ano ano pa.

Ang sarap balik balikan yung mga panahon kung saan di mo na kailangan pang problemahin yung crush mo, yung problema mo sa pamilya, yung problema mo dahil babagsak ka sa subject mo, yung problema mo sa Thesis mo at problema mo sa mga langaw.

Gumagawa ako ng istorya ng sarili ko lang at walang makikialam kung panget ba o maganda yung istorya. kung ginaya ko lang o orihinal yung istorya, kung mag re rate ba o hindi. ang nasa isip ko lang basta masiyahan ako yun na yun. kahit na hindi naman ako sumesweldo basta nasisiyahan ako at walang paki alam ang maga tao sa mga sinasabi ko at sa gusto kong istorya.

wala silang paki alam kung gawin kong kontrabida si Robin na Sidekick ni Batman. o gawin kong Spawn ni Venom ng Spiderman. o gawin ko mang darna si sailormoon. kasi ako lang naman ang nakaka alam. at wala silang paki alam kasi yun yung mundo ko.

Pero pakiramdam ko hindi lang naman ako ang gumawa ng ganoon, ang mga babaeng bata ay naglalaro ng bahay bahayan. luto lutuan, ginagawa nilang baby yung manika at pagkatapos paglaruan ay gagawing contender sa WWE. nagpapabili ng sangkatutak na stuff toys sa mga magulang at gagawing mga terorista at gagawa ng sarling Doll House.

at lahat ng mga ito ay nagmula sa imagination ng isang bata, at naniniwala ako na kahit hanggang sa pagtanda ay nananitili pa rin ang pagkagusto natin sa paglalaro ng mga laruan, kahit na sa pamamagitan ito ngayon ng mga makabagong teknolohiya gaya ng “PSP”, “GameBoy” Playstation 1 ,2 and 3, at kung ano ano pa. Pero alam kong sa tuwing nanonood ang mga matatanda ng mga Pelikula sa Pirated DVD o kahit sa Sinehan at di nila nagustuhan o nagustuhan nila yung kwento ay naiisip pa rin na dagdagan ito, kung bitin ka sa kwento maari kang maglagay ng part two kung gusto mo sa isip mo at maari mong isipin na ikaw ang bida. Pwede kang mag komento kung panget o maganda ang kwento, kung paanoorin mo pa o hindi na. (kaya lang kung napangitan ka sa kwento at inereklamo mo sa Production, example New Line Cinema, Siguraduhin mo lang na may pera ka o sapat na kakayahan para Libel na ikakaso sayo, kung hindi mo mapapatunayan na panget nga ang kwentong kanilang ipinalabas.)

at maaari kang mag komento sa mga problema sa Bayan. Politika, Pag ibig at kahit sa labanan ng ABS CBN at GMA 7.

at sa pakiwari ko’y naimbento ang ganitong klaseng Website sa Internet para isulat kung ano ang tumatakbo sa isip mo at kung ano ang maari mong paniwalaan o paniniwala.


Maari mong ilabas ang sinasaloob mo at Maari kang mag kwento ng mga nangyari sa buhay mo tulad halimbawa ay nadapa ka sa kanto at pinagtawanan ka ng mga bata. o kung ano ano pa.

Amature pa lang ako sa pag gawa ng Blog at wala din naman akong masyadong karanasan para magkwento ng magkwento ng kung ano ano.

Hindi pa ako nagkakaroon ng isang romantikong relasyon at wala akong alam tungkol sa pag ibig. NGSB ako (National Geographic Sales Book)

pero pag ibig ang gusto kong topic sa blog ko. Para kasing naniniwala ako na lahat ng kabobohan sa sarili ay nagsimula sa pagkakaroon ng Pag ibig sa buhay.
(isa sa mga immature kong paniniwala)

kakaunti pa lang ang napuntahan kong lugar at bobo pa ako sa lahat ng bagay.
kaya kung may masasabi man ako sa mga susunod kong Blog episode na hindi sasang ayunan ng panga mo o utak mo. malaya ka.

dahil lahat ng sinasabi ko ay “HAKA HAKA NG ISANG WALANG KWENTANG TAO.”

Paniniwala ng isang matandang bata, opinyon ng wala pang alam sa mundo kundi kumamot ng ulo.

 

 

Posted by junjun at 6:05 pm | permalink | comments[7]