Home » Archives » January 2009
BABALA:
Ang mga mababasa sa Blog na ito ay pawang mga Immature na paniniwala lang ng isang taong bobo at nagmamarunong, wag paniwalaan ang lahat.

ESTUDYANTE

January 17, 2009

Madami kang pwede talagang alalahanin kapag nag aaral ka, Sabi nga ng quote ni Bob Ong “Hindi mo daw malalaman kung gaano kasarap sa pakiramdam ang Suspendido ang klase, walang profesor at half day lang kayo… grabe, naranasan ko yan at ang masasabi ko lang sobrang SARAP sa pakiramdam…  Pakiramdam mo, Mabubuhyan ka ng napakahabang panahon at biglang mawawala ang sakit mo.
INAY: Anak gumising ka na at papasok ka pa, tanghali na (kahit wala pang araw, tanghali na para sa ina.)

ANAK: Nay, may sakit po yata ako, masakit po ang ngipin ko, ang ulo ko at ang tiyan ko….

RADYO (A.M.): Suspensido ang pasok sa lahat ng antas sa buong kamaynilaan ngayong araw na to….

ANAK: Nay Nawala yung sakit ng katawan ko, paa ko at sipon ko…. Magaling na ako!!!!

                                   —————————————–        

Kakaibang ligaya talaga ang mararamdaman ng mga batang maga aaral kapag higit sa isang araw ang pagsususpinde ng klase at ang Holiday, Pero kadalasan ay inililipat na ang lahat ng holiday sa araw na malapit  sa Week end. Kung Martes ang araw birthday ng paboritong kabayo ng pangulo, gagawin niyang lunes o kya kapag nasa huwebes ang holiday, gagawing biyernes, para nga naman tuloy tuloy at hindi na tamarin pa ang mga estudyante..

ESTUDYANTE…. Ngayon kapag nasa Pampublikong  Jeepney ka o kaya Bus, magsabi ka lang na Esyudyante ka, may discount ka sa Driver… Pabor ako don, kasi lagi kong ginagawa yun. Hindi na nawawala yung Salitang “ESTUDYANTE” Kapag sasakay ako ng jeep. “MA, bayad dyan lang sa Recto,…”ESTUDYANTE”… tapos bigla akong sinagot ng Driver….. “I.D. mo?..” Badtrip, naka uniporme na nga ako, nagduda pa sa kin…. Hindi pa siya nagsukili…

Nag abot din ng bayad yung Matandang nakasakay ko sa nasabing Jeepney (siguro ang edad niya, mga 45 na.) at katulad ko sinabi niya rin ang salitang “ESTUDYANTE” pagkatapos iabot ang bayad, at hindi rin siya nakawala sa Mata ng Driver, ganon sa mga iba pang nakasakay… At kahit hindi siya nagsasalita, parang alam ko na yung gusto niyang sabihin… “BAKIT, mga Bata lang ba pwedeng maging estudyante???….” Nakataas ang kilay ng manong…

Napaisip ako, OO nga naman, bakit ba hindi natin matanggap na pwede ka pa ring maging estudyante kahit na lagpas ka na sa limitasyon mo… Sabi ng Kuya ko dati, walang Age limit ang Edukasyon… Marami na akong narinig ng kasi ng ganyan. matatandang mag aaral.

Si Sharon Cuneta nga diba nag iiskul pa..

ISKUL (School) — Magsisimula ang mga natututunan ng mga tao, Sumulat, Bumasa at Mag Plus, mag minus, mag times, mag divide at mag english…

ENGLISH - Maraming Jokes tungkol sa mga hindi marunong mag english… ginagawa na lang na katatawanan yung Hindi marunong o hindi naiintindihan na pinag aralan.  Pero ang alam ko lahat ng Pinoy marunong mag english… “Kuya, Pa LOAD….”  “Ate, napanood mo yung bagong COMMERCIAL kanina?”   “Tay nasaan yung SCREW DRIVER at PLIES?”    Ate, Pa CD-BURN po, at Pa RENT na rin… ONE HOUR lang po…, “Pa DOWNLOAD naman ng kanta sa MP3 ko…  “na SNATCH yung CELLPHONE KO, bwiset… G*go ka Tol, FU** YOU ka!!!!”

Sabi ko na nga ba walang taong hindi marunong mag english eh. depende na lang siguro sa gumagamit. May mga bagay na pwede naman talagang matutunan… Hindi mo lang Hilig o ayaw mo lang talaga.. nasa sayo naman yan eh.

“BADTRIP tol, BREAK na Kami ng GIRLFRIEND KO…”.    O diba lahat ngayon marunong nang mag english.

Marami lang kaming reklamong mga estudyante, tungkol sa English subject na yan, kasi may mga dapat ka pang intindihin na ang ginagamit mong english ay noun, pronoun. predicate o adjective, ewan… Hindi ako magaling dyan sa English pero marunong ako….

“Walanghiya yung CRUSH” ko, may syota na… WAHHHH!!!!

                                                                                       ————————————–

 

CRUSH..   —     Ang isa sa Talagang Hindi mo malilimutan ang Kapag Estudyante ka ay ang Crush crush na yan.. Kahapon nagpa PRINT ako ng PICTURE kasama ko yung Kaibigan kong babae na lihim at tunay kong Sinisinta sa Pangarap at sa Future pero hindi niya alam… pero hindi tungkol sa aming dalawa ang pag uusapan, kundi tungkol sa mga bata na siguro ay Grade three pa lang yata o Grade two, basta bata… nagpapa print din siya ng picture at pina print niya ay yung picture ng kaklase niyang Lalake na Crush niya..

Batang bata!!! Pwede ka nang magka Crush sa kahit anong edad, Hindi na mapipigilan yan.. Hindi na mawawala yang Damdaming yan sa tao. Sabi ng IMAGINARY FRIEND kong PSYCOLOGIST, HEALTHY daw ang magkaroon ng CRUSH ang isang tao, Kasi daw isa itong Daan para sa tinatawag niyang “MATURITY”.. hindi ko maintindihan pero ang pagkakaintindi ko lang, isa itong paraan para ayusin ang Istilo ng pamumuhay ng tao, bilang indibidwal na nabubuhay sa mundo.

Halimbawa, Si kiko ay hindi nagsisipilyo dati, pero dahil nakilala niya si myka, na Crush niya, mapipilitan na siyang magpatule…. at magsipilyo…. Babaguhin niya ang sarili niyang buhay at magle LEVEL UP ang kanyang pisikal na kaanyuan at makakatulong ito para magkaroon siya ng Confidence sa sarili… Pero Bilang isang nakatatanda, dapat mong gabayan ang nakababata mong kapati o anak mo na yan kapag dumadating sa ganyang mga usapin.. Kahit bata pa yan, pwede din sila maging malungkot dahil pwede silang ma HEARTBROKEN”,  at bilang nakatatanda at napagdaanan na ang mga bagay na yan, dapat lagi kang nandyan bilang gabay.,, AYOS BA?

Ang crush crush na ya n kahit anong pag iingat mo, pwede yang mauwi sa mas malala na sitwasyo.. pwede yang usaping  ”LOVE LOVE” na yan o ang tinatawag na INFATUATION na yan,

INFATUATION —- Kapag Sinabing INFATUATION, ang nabubuo kong larawan sa isipan ko, ay yung nangyayari sayo pagkatapos mong kumain ng kumain ng marami at biglang sumakit yung tiyan mo… “Inpatcho”

Joke lang,  INFATUATION, hindi ko gaanong alam yang salitang yan pero ayon sa mga nagmamaruinong kong mga kaibigan, ang infatuation daw ay katulad din ng Paghanga o crush crush na yan, Yun nga lang mas sira na yung ulo mo dahil, hindi ka na patutulugin at hindi ka na pakakainin ng salitang yan… Parang Virus na Hindi pa natutuklasan ang gamot, Makikita mo na ang sarili mo na Hangang hanga ka sa Isang tao dahil ang galing galing niyang sumayaw, kumanta, ang tali-talino niya pa. Nagbe breakdance pa siya at pumapatay yung mga ngiti niya… Tapos Dahil parang ang MATURE MATURE niyang tignan at maiisip mo na “ANG SARAP SIGURO NITONG MAGING GIRLFRIEND/BOYFRIEN.” at nasasaktan ka na lang kahit walang dahilan, kapag Nag e EMOTE EMOTE ka pa diyan, o kay anag se SELF PITY ka sa sarili mo na akala mo kapag hindi siya ang naging Syota mo o Naging asawa mo sa FUTURE ay mamatay ka nang maaga…

sa madaling salita Gaya ng Impatcho, ang INFATUATION ay hindi mainam sa katawan… Pero hindi maiiwasan kasi masarap ang kumain ng kumain at masarap ang ma INLOVE ng ma INLOVE…

LOVE — Mas malala yan pero hindi ko malilimutan nung ako ay nasa elementarya pa lamang at ito ring HIGHSCHOOL ako, usong uso yung “SLUMBOOK” yung cute na notebook na isusulat mo ang buong pagkakakilala mo sa sarili mo, NAME, NICKNAME, AGE……… MOST EMBARRASING MOMENT, UNFORGERTABLE MOMENT, WHO IS YOUR FIRST KISS?, MOTTO at ang pinakasikat na tanong at imposible nang hindi mawala sa SLUMBOOK na yan ay ang “WHAT IS LOVE?”

WHAT IS LOVE? nakita ko yung SLUMBOOK ng ate ko nung siya ay HIGHSCHOOL at ako ay GRADE TWO pa lang, sumagot din pala ako ng SLUMBOOK na yan at ang sagot ko sa popular na tanong na WHAT IS LOVE ay “LOVE IS A KIND OF DOG”. Seryoso!!  Labrador ang pagkakaintindi ko sa LOVE na yan dati. nakakahiya (hindi ako nag joke ah.)

Ang madalas na sagot na nabasa ko sa SLUMBOOK na nabasa ko sa WHAT IS LOVE ay “LOVE IS A ROSARY THAT FULL OF MYSTERY”. at ”LOVE IS BLIND. Nasa STATISTICS yata yang ng mga Nagse SURVEY.

                                                                 ————————————–

Kapag Estudyante mas marami ka pang malalaman sa mundo pero pwede ka rin naman maging ESTUDYANTE kahit Hindi ka Pumapasok sa ESKWELAHAN, Mas malaking Unibersidad nga lang ang pwede mong pasukan at ay ang “HIRAP NG BUHAY”

HIRAP NG BUHAY UNIVERSITY — Minsan Hindi kasalanan ng Mga tao kung hindi sila nakapasok sa eskwelahan pero nakapasok naman sila sa isang mas malaking Unibersidad sa mundo na kung tawagina g kahirapan, Mas mulat sa totoong nangyayari sa Mundo, Yung iba kinakailanga na magbanat ng buto kahit na napakapayat  at napakabata pa. Kapag tinanong mo ang isa sa mga bata na napaka galing ng magmura at napakabilis nang tumakbo, kung gusto nilang mag aral, ang ilan sa kanila gustong gusto, pero wala ng pagkakataon ang iba naman, ayaw talaga, mas gustong magtrabaho, tutal kapag nakatapos naman daw sa pag aaral ay magtatrabaho din bakit kailangan pang mag aral kung kumikita na., Yung ibang mababait, Isinasakripisyo ang sarili para makapag aral lang ang mas nakakababatang kapatid o ang mas matalinong kapatid, Naniniwala sila na kapag nakatapos na ang pina aaral nila  ay sila naman ang susunod na mag aaral, Pero nagkaka dramahan kapag ang isnaasahan na yun ay nawala lang bigla ang ang gana sa pag aaral o kaya da iba na napapadpad imbis na sa Eskwelahan. sa ibat ibang masamang bisyo.

BISYO —- Pinaka masamang pwedeng mangyari sa isang estudyante na mahilig sa Adventure, (GAGAWA AKO NG IBANG PAGE TUNGKOL SA DRIGS NA YAN)

Pero basta ang alam ko, DAPAT IWASAN ANG PAG GAMIT NG BAWAL NA GAMOT…

                                                                    ———————————————————————-

SARAP NG BUHAY ESTUDYANTE, Hindi maiiwasan na may dumating na araw na hindi laging sayo ang swerte, Pero ang Pinaka matibay na Sandata sa pag aaral ay ang BASIC na payo “MAG ARAL NG MABUTI”, Saka na ang lovelife na yan. “Mangangamatis din ang mukha ng cute mong Crush na magaling mag harlem”

Kung naniniwala kang mahal mo talaga siya, eh patunayan mo sa pamamagitan ng “ikaw ang mag ayos, mag aral kang mabuti, maging pinaka masipag ka sa buong klase at paglaki mo, malalaman mo na ang pinakamahalaga sa Pagiging Estudyante ay ang “PAGPAPAHALAGA SA MGA NATUTUTUNAN at PAGPAPAHALAGA SA MGA TAONG NAGING DAHILAN at narating mo ang iyong matayog na kinahinatnan..

 SALAMAT..

Posted by junjun at 8:15 pm | permalink | comments[4]

Highschool life.

January 13, 2009

Para sa 4th year highschool, malapit nang matapos ang mga maliligayang araw ninyo. HAR…HAR…HAR… Malapit na kayong mag college, pero karapatdapat ka nga bang mag college ayon sa sarili mo? naku!!

Magmumukha akong nagmamagaling sa mga payo payuhan ko, pasensiya na po. Hindi naman ako nagma mature maturan eh pero magkukwento lang po ako tungkol sa Pinagdaanan ko nung easy easy pa sa akin ang buhay… ang buhay bata… buhay estudyante…

Nung bata pa ako, tinatanong na ako ng tatay ko kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. wala pa kong nasagot nun, tinanong niya yung habang nanunood ako ng japanese super hero series na “Fiveman”. (natatandaan nyo pa?.) at naisip kong gusto kong maging isang Fiveman. pero hindi pala pwede yun. kasi hindi ako hapon. Scientist na lang. kasohindi ako mahilig sa science, sabi ko sa tatay ko, gusto ko lang manood ng t.v.

Lumipas ang ilang araw, dinala ako ng tatay ko sa isang lugar na hindi ko masyadong nalalaman. ieenroll nya pala ako. hindi ko pa alam

ELEMENTARY

Grade One. Pumasok ako sa school nang hindi ko pa alam na school na pala yun. ewan ko ba kung bakit ako pinasok ng tatay ko sa school kahit na 6 years old pa lang ako at pangalan ko lang ang alam kong isulat noon.
Kahit na magbilang ng 1 to 20 ay sumasablay pa ako. Pero kahit paano ay talagang natuto na pala ako ng hindi ko alam.

Grade Two. Panghapon ako, pumapasok ako ng 10:30 ng umaga at umuuwi ng 5:00 ng hapon. Sa pagkakataong ito ay nagpakitang gilas ako sa pag aaral, sanhi siguro ng pakitang gilas ng tatay ko sa Math siya ang nagturo sa akin ng multiplication. at pag inom ko ng gatas araw araw at pagkain ng araw araw ng champorado.
Sa school ay nagagamit ko ang itinuro sa akin ng tatay ko at kuya ko. (naging 3rd place ako at nabigyan ngparangal bilang most buraot of the year sa gawad utak tinga awards.)

Grade Three. Napasama ako sa Pilot section dahil sa nakuha kong awards na tiyambahan ko lang naman talaga. Hindi ko gusto yung mga kaklase kong mayayabang at mayayaman. masyado silang mataas na uri para sa mababang uring katulad ko. nariyan yung mga palakihan ng baon, pagandahan ng sapatos at kung makakita sila ng sapatos na medyo may kalumaan ay tatawa sila ng tatawa na parang nakapanood ng show sa Punchline laffline at sa circo bar.
Hindi ko sila naging kaibigan maliban sa isang batang babaeng cute na una kong hinangaan bilang cute na kaklase. (crush na pala ang tawag dun nang hindi ko pa nalalaman.)

Grade Four. Kaklase ko nanaman yung mga mayayabang na yun at pati si first crush ay nakisalamuha na rin sa mga mayayabang kong kaklase at naiwanan na akong mag isa at laging pinagtatawanan dahil sa lawsi kong pananamit.
Dito na yung panahon na una akong nakipag away dahil sa panununtok ng kaklase ko sa kin dahil sa nawala ko ang ballpen niya at na guilty din naman ako dahil mahal na mahal niya din pala talaga yung ballpen niya. (APACHE DE LUX) tatlong piso palang noon ang ballpen na yun.

Grade Five. Sa wakas ay hindi na ako Pilot section at napasama ako where i belong. (hindi ako kapuso.) Napasama ako sa Section 3. at mas naging komportable ako sa secion na yun dahil nakasama ko na yung mga kaklase ko noong grade one at two.
dito ko rin nakilala yung kaklase ko na na magaling magdrawing at na ingganyo ako sa kanya dahil tinuruan niya akong mag drawing.

Grade Six. Nang hindi na ako nasisisyahan sa puro drawing na ipinapakita ng kaklase ko. Nakilala ko sa panahong ito sila Eugene ng Ghost Fighter at matagal ko na rin ditong kakilala sila Son Gokou, BTX, Tom Sawyer at Huckleberry Finn. at dahil sa isang snaks na may free na komiks ng episode ng Dragon ball Z sa loob ay ipinasya kong yayain ang kaklase kong mahusay sa pagdo drawing para sa isang napakasamang misyon.

Gumawa kaming tatlo kasama ang pa epal kong kaklase ng isang komiks. dahil ako lang ang hindi marunong mag drawing sa kanila ay inatasan akong ako na lang ang gumawa ng script. Sa pagpaplano palang ay sabik na sabik na kaming mabuo ang komiks na yun.
Una kong ginawa ay nag isip ng kwento at paano tatakbo ang kwento. tapos karakter. tapos script. tapos isusulat ko sa papel at ibibigay ko sa kalase ko. Medyo may hawig daw sa Magic Knight Ray earth at Zenki ang kwento pero nagustuhan nila. at sinimulan na nilang idrawing ang mga kabalbalang tumatakbo sa isip ko. at makalipas ang isat kalahating buwan ay nag rekalamo ang kaklase ko sa akin dahil masyado daw mahaba ang kwentong isinulat ko. kailngan daw iklian.
Dahil sa tinatmad ako, sinabi ko na lang sa kanila na sila na ang bahala. tutal sila naman ang nagdodrawing eh.
at natapos ang kaunaunahan kong gawa gawang kabalbalan na kwento ang “KEDDEN”.
Nang mag higschool ako ay hindi ko na nakita pa ang komiks at ang kalase ko. nabalitaan ko rin na sunog ang bahay nila noon. kaya inisip ko nalang na wala akong ginawa.


Highschool na -

First Year. Bagong Environment kaya medyo nangangapa pa ako sa kultura ng makabagong mundo ng pakikipagsapalaran ng Narrator.
Kaklase niya dito yung klasmeyt niya noong elementary. yung mataba niyang kaklase at dahil doon ay hindi na kami nahirapan na maglakbay sa Campus ng mag isa.
Bago ang pinag aaralan. Philippine history, Mula sa kung anong klaseng tao ang tumira dito sa pilipinas hanggang sa maging presidente si Erap noong 1998. Halo na ang karakter ng mga kaklase ko may mayayabang, matatalino, may mga cute pero hindi ako na attract sa kanila. may patawa, paepal, papogi at naghahanap ng boyfriend/ girlfriend.

Second Year. Sumikat muli sila Eugene, Alfred Vincent at Dennis para umere ulit sa channel 7 ang palabas nilang Ghost Fighter. Dahil sa Patawa ng tadhana ay nagkaroon ng matinding apekto sa kalusugan ko ang Ghost Fighter at ang RAW is WAR ng WWF na WWE na ngayon.
Nagkasakit ako nang mahigit sa dalawang buwan. Marami ang nag akala na mamatay na ako. at inakala ko rin na mamamatay na ako. pero dahil sa Tiyaga ng mga magulang ko sa pag aalaga sa akin at sa awa ng Diyos ay gumaling ako sa nasabing sakit. at para kaong dumaan sa Chemo therapy dahil nalalagas ang buhok ko at pumayat ako na parang buhay na Zombie.
Pinagtatawanan ako ng mga feeling magagandang babae sa labas ng bahay namin dahil sa nalalagas kong buhok. (tipos daw ang sakit ko at talagang pinapatay nila ako sa isipan nila.) (lalo akong naging pangit.)

Third year. Saka ko lang napansin ang mga kaklase kong naiiba na ang hanap, hindi na sila puro computer, o puro lakwatsa sa mall at wala nang shoplifter. maayos na ang pagmumukha nila, mukhang nagmamature na. Ilang pa sa napapansin ko yung iba kong mga kabarkada sa school, may mga kasama nang mga babae. pito kami sa grupo, sama samang naglalakad sa mall, lahat ng anim, may kasamang babae, ako lang ang wala.

May sinabi yung isa kong panget na kaklase,Sabi niya “maghanap ka na kasi ng liligawan mo, para magka syota ka na,” Sabi ko sa kanya “ayoko, hindi ko pa naiisip ang mga bagay na yan.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakaramdam na gusto kong ligawan ang mga babaeng nakakasalamuha ko, nagiging kaibigan ko naman sila pero hidni ko sila nagugustuhan. Nagkaka crush ako pero Crush ko lang siya pag nakikita ko siya, pero kapag wala na siya sa paningin ko, hindi ko na siya naiisip. Kaya alam kong hindi pag -ibig yun.

Ayaw ko namang manligaw sa isang babae kung dahil lang nagpapadala ako sa “Peer Pressure” (kung tawagin ng mga Psychologist. - nangyayari kapag parang naiingit ka sa mga tao sa paligid mo, dapat meron ka rin ng bagay na na meron sila.)

Hindi ako nakakaeamdam ng Pagmamahal sa kahit kanino sa School na pinanggalingan ko nung highschool, kaya hindi ako nanligaw, kaya hindi ako nagka girlfriend.

Dumating yung araw ng mga puso, at kailangang umatend ng mga 3rd year at fourth year sa sa Tinatawag na “Junior, Senior Prom” J.S na lang. Alam ko yung ginagawa dun kasi nakanood na ako dati ng sayawan, Sayawan yun.

Ang daming malalagim na kwento ang naririnig ko sa mga nagdaan na Session na yun, Sabi ng iba lalo na yung mga babae, nakaka kilig daw, twice in a lifetime lang daw yun dapat puntahan at hwag palalagpasin, hindi na maiilit pa ang mga sandaling maisasayaw mo yung Girlfriend mo, Crush mo, niligawan mo, Teacher mo, kaklase ko at sarili mo. Ayos lang ang lahat gusto kong pumunta para mag asar, pero dahil sa insidente na wala akong maisusuit na pormal na damit, hindi na lang ako pumunta. SAYANG…

Fourth Year - 

bago magpasukan para maging fourthyear, natutuwa akong nagbabantay ng internet cafe sa lugar namin, pero hindi samin sa kaibigan ko. ewan ko ba pero natutuwa ako sa nakikitang kong batang babae, grade 4 lang siya nun. CUTE eh… yun lang…sarap niyang gawing manika ng mangkukulam.

(Adlib lang yun)

Pagbalik ko ng School bilang 4th year, napansin ko na maraming payo ang mga teacher kung ano ang magiging buhay namin pagkatapos ng highschool,

itong fourthyear ako, wala akong paki alam sa mga kung ano ang mangyayari sakin at sa mga kaklase ko pagdating panahon. Hanggang sa nalaman kong bilang na pala ang araw na makakasam ko ang kaibigan, ang paaralang minsan kong inayawan, ang mga teacher na gusto kong ipakulam, ang mga Crush kong nagpapa cute, hindi naman masyadong cute.

Sa wakas makakalaya din sa kulungan

————————————————————————————–

 Kapag sinabi mong Highschool ay napaka memorable talaga. dahil madalas dito mo mararanasan ang pagsisismula ng kalokohan sa mundo at dito na tumutubo ang sungay mo, o sungay ng anak mo. kaya kung highschool ka na o ang anak mo malamang na

1. magpapabili na ng cellphone ang anak mo. (N series.)
2. madalas na tulala (malamang niyan kundi adik baka inlove.)
3. nagbabago ang boses (natuto sumagot ng pabalang)
4. tumutubo ng senyales ng pagpupuyat sa mukha. (dahil siguro sa mani.)
5. matagal makipag usap sa telepono. (minsan ginagawa lang mic yung telepono at doon nag coconcert.)
6. tataas ang presyo ng Field trip.
7. madalas na magkaroon ng Field Trip.
8. Hihingi ng pambili ng project
9. hihingi ulit ng pambili ng project.
10. sa maniwala ka o sa hindi hihingi ulit ng pambili ng project.
11. madalas na may group study kuno sa bahay ng classmate. (kasing laki ng MOA yung bahay ng classmate.)
12. umuuwing lasing
13. matututong magyosi.

Sari sari na ang buhay na nangyayari sa buhay ng higschool ,dito nade develop ang kalokohan ng bata, dito nakikita talaga ang isang ugali na madalas na napapansin.
bakas sa mukha ng Highschool student kung siya ay in love, o may ginagawang kalokohan. (opinyon ko lang.)

Pero dito sila makakakilala ng “LOVERS”, “LOVE INTEREST”, Crush, Mortal Enemy.
Nagsisimula nang harapin ang sariling opinyon, sariling pananaw at nakikilala ng husto ang sarili.
Nagsisimula nang maging mayabang, magpaganda, magpa pogi. mawawala na ang pagiging makapal ang mukha o buraot at natuto nang mambastos ng nakakatanda.

puro kalokohan naman kasi ang iniintindi ng ibang Highschool student dahil sa impluwensiya ng barkada o kaibigan.
siyempre magsisismula nang makipag usap ng maayos at hindi na nahihiyang makipag usap o ibunyag ang feelings sa kanyang crush.
Manliligaw ang isang lalaki
Pakipot ang babae at kunwari walang paki alam sa lalaki
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti.
kapag na bad trip si lalaki sa sobrang pakipot ni babae…..
Badtip din si babae “Pero Denial pa rin”

Manliligaw si Lalake ulit
Sa una magpapakipot ng konti ang babae pero mas nice na siya ngayon.
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti. pero hindi na kasing tindi nung una kasi inulit na lang kaya wala nang thrill.
magtatapat na si lalaki sa pamamagitan ng pagtatanong ng “Mahal mo ba ako?”
sasagot si babae ng “HINDI eh sorry ah.”
(masasaktan si lalaki) pero playsafe at sasabihin ang ganitong kataga. “BAKIT SINABI KO BANG MAHAL KITA?.
Babawi si babae at sasabihin na ” Ganon?! Mahal din kasi kita eh.”
babawi si lalaki at sasabihin na “Mahal talaga kita eh.”
Babawi si babae at sasabihing “JOKE LANG KAW NAMAN DI KA MABIRO!!!!”
at babawi din si lalaki dahil ayaw mapahiya, “Joke lang din…

Repeat Till Fade….

 

Posted by junjun at 7:11 pm | permalink | comments[8]