Ang mga mababasa sa Blog na ito ay pawang mga Immature na paniniwala lang ng isang taong bobo at nagmamarunong, wag paniwalaan ang lahat.
Highschool life.
January 13, 2009Para sa 4th year highschool, malapit nang matapos ang mga maliligayang araw ninyo. HAR…HAR…HAR… Malapit na kayong mag college, pero karapatdapat ka nga bang mag college ayon sa sarili mo? naku!!
Magmumukha akong nagmamagaling sa mga payo payuhan ko, pasensiya na po. Hindi naman ako nagma mature maturan eh pero magkukwento lang po ako tungkol sa Pinagdaanan ko nung easy easy pa sa akin ang buhay… ang buhay bata… buhay estudyante…
Nung bata pa ako, tinatanong na ako ng tatay ko kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. wala pa kong nasagot nun, tinanong niya yung habang nanunood ako ng japanese super hero series na “Fiveman”. (natatandaan nyo pa?.) at naisip kong gusto kong maging isang Fiveman. pero hindi pala pwede yun. kasi hindi ako hapon. Scientist na lang. kasohindi ako mahilig sa science, sabi ko sa tatay ko, gusto ko lang manood ng t.v.
Lumipas ang ilang araw, dinala ako ng tatay ko sa isang lugar na hindi ko masyadong nalalaman. ieenroll nya pala ako. hindi ko pa alam
ELEMENTARY
Grade One. Pumasok ako sa school nang hindi ko pa alam na school na pala yun. ewan ko ba kung bakit ako pinasok ng tatay ko sa school kahit na 6 years old pa lang ako at pangalan ko lang ang alam kong isulat noon.
Kahit na magbilang ng 1 to 20 ay sumasablay pa ako. Pero kahit paano ay talagang natuto na pala ako ng hindi ko alam.
Grade Two. Panghapon ako, pumapasok ako ng 10:30 ng umaga at umuuwi ng 5:00 ng hapon. Sa pagkakataong ito ay nagpakitang gilas ako sa pag aaral, sanhi siguro ng pakitang gilas ng tatay ko sa Math siya ang nagturo sa akin ng multiplication. at pag inom ko ng gatas araw araw at pagkain ng araw araw ng champorado.
Sa school ay nagagamit ko ang itinuro sa akin ng tatay ko at kuya ko. (naging 3rd place ako at nabigyan ngparangal bilang most buraot of the year sa gawad utak tinga awards.)
Grade Three. Napasama ako sa Pilot section dahil sa nakuha kong awards na tiyambahan ko lang naman talaga. Hindi ko gusto yung mga kaklase kong mayayabang at mayayaman. masyado silang mataas na uri para sa mababang uring katulad ko. nariyan yung mga palakihan ng baon, pagandahan ng sapatos at kung makakita sila ng sapatos na medyo may kalumaan ay tatawa sila ng tatawa na parang nakapanood ng show sa Punchline laffline at sa circo bar.
Hindi ko sila naging kaibigan maliban sa isang batang babaeng cute na una kong hinangaan bilang cute na kaklase. (crush na pala ang tawag dun nang hindi ko pa nalalaman.)
Grade Four. Kaklase ko nanaman yung mga mayayabang na yun at pati si first crush ay nakisalamuha na rin sa mga mayayabang kong kaklase at naiwanan na akong mag isa at laging pinagtatawanan dahil sa lawsi kong pananamit.
Dito na yung panahon na una akong nakipag away dahil sa panununtok ng kaklase ko sa kin dahil sa nawala ko ang ballpen niya at na guilty din naman ako dahil mahal na mahal niya din pala talaga yung ballpen niya. (APACHE DE LUX) tatlong piso palang noon ang ballpen na yun.
Grade Five. Sa wakas ay hindi na ako Pilot section at napasama ako where i belong. (hindi ako kapuso.) Napasama ako sa Section 3. at mas naging komportable ako sa secion na yun dahil nakasama ko na yung mga kaklase ko noong grade one at two.
dito ko rin nakilala yung kaklase ko na na magaling magdrawing at na ingganyo ako sa kanya dahil tinuruan niya akong mag drawing.
Grade Six. Nang hindi na ako nasisisyahan sa puro drawing na ipinapakita ng kaklase ko. Nakilala ko sa panahong ito sila
Gumawa kaming tatlo kasama ang pa epal kong kaklase ng isang komiks. dahil ako lang ang hindi marunong mag drawing sa kanila ay inatasan akong ako na lang ang gumawa ng script. Sa pagpaplano palang ay sabik na sabik na kaming mabuo ang komiks na yun.
Una kong ginawa ay nag isip ng kwento at paano tatakbo ang kwento. tapos karakter. tapos script. tapos isusulat ko sa papel at ibibigay ko sa kalase ko. Medyo may hawig daw sa Magic Knight Ray earth at Zenki ang kwento pero nagustuhan nila. at sinimulan na nilang idrawing ang mga kabalbalang tumatakbo sa isip ko. at makalipas ang isat kalahating buwan ay nag rekalamo ang kaklase ko sa akin dahil masyado daw mahaba ang kwentong isinulat ko. kailngan daw iklian.
Dahil sa tinatmad ako, sinabi ko na lang sa kanila na sila na ang bahala. tutal sila naman ang nagdodrawing eh.
at natapos ang kaunaunahan kong gawa gawang kabalbalan na kwento ang “KEDDEN”.
Nang mag higschool ako ay hindi ko na nakita pa ang komiks at ang kalase ko. nabalitaan ko rin na sunog ang bahay nila noon. kaya inisip ko nalang na wala akong ginawa.
Highschool na -
First Year. Bagong Environment kaya medyo nangangapa pa ako sa kultura ng makabagong mundo ng pakikipagsapalaran ng Narrator.
Kaklase niya dito yung klasmeyt niya noong elementary. yung mataba niyang kaklase at dahil doon ay hindi na kami nahirapan na maglakbay sa Campus ng mag isa.
Bago ang pinag aaralan. Philippine history, Mula sa kung anong klaseng tao ang tumira dito sa pilipinas hanggang sa maging presidente si Erap noong 1998. Halo na ang karakter ng mga kaklase ko may mayayabang, matatalino, may mga cute pero hindi ako na attract sa kanila. may patawa, paepal, papogi at naghahanap ng boyfriend/ girlfriend.
Second Year. Sumikat muli sila
Nagkasakit ako nang mahigit sa dalawang buwan. Marami ang nag akala na mamatay na ako. at inakala ko rin na mamamatay na ako. pero dahil sa Tiyaga ng mga magulang ko sa pag aalaga sa akin at sa awa ng Diyos ay gumaling ako sa nasabing sakit. at para kaong dumaan sa Chemo therapy dahil nalalagas ang buhok ko at pumayat ako na parang buhay na Zombie.
Pinagtatawanan ako ng mga feeling magagandang babae sa labas ng bahay namin dahil sa nalalagas kong buhok. (tipos daw ang sakit ko at talagang pinapatay nila ako sa isipan nila.) (lalo akong naging pangit.)
Third year. Saka ko lang napansin ang mga kaklase kong naiiba na ang hanap, hindi na sila puro computer, o puro lakwatsa sa mall at wala nang shoplifter. maayos na ang pagmumukha nila, mukhang nagmamature na. Ilang pa sa napapansin ko yung iba kong mga kabarkada sa school, may mga kasama nang mga babae. pito kami sa grupo, sama samang naglalakad sa mall, lahat ng anim, may kasamang babae, ako lang ang wala.
May sinabi yung isa kong panget na kaklase,Sabi niya “maghanap ka na kasi ng liligawan mo, para magka syota ka na,” Sabi ko sa kanya “ayoko, hindi ko pa naiisip ang mga bagay na yan.
Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakaramdam na gusto kong ligawan ang mga babaeng nakakasalamuha ko, nagiging kaibigan ko naman sila pero hidni ko sila nagugustuhan. Nagkaka crush ako pero Crush ko lang siya pag nakikita ko siya, pero kapag wala na siya sa paningin ko, hindi ko na siya naiisip. Kaya alam kong hindi pag -ibig yun.
Ayaw ko namang manligaw sa isang babae kung dahil lang nagpapadala ako sa “Peer Pressure” (kung tawagin ng mga Psychologist. - nangyayari kapag parang naiingit ka sa mga tao sa paligid mo, dapat meron ka rin ng bagay na na meron sila.)
Hindi ako nakakaeamdam ng Pagmamahal sa kahit kanino sa School na pinanggalingan ko nung highschool, kaya hindi ako nanligaw, kaya hindi ako nagka girlfriend.
Dumating yung araw ng mga puso, at kailangang umatend ng mga 3rd year at fourth year sa sa Tinatawag na “Junior, Senior Prom” J.S na lang. Alam ko yung ginagawa dun kasi nakanood na ako dati ng sayawan, Sayawan yun.
Ang daming malalagim na kwento ang naririnig ko sa mga nagdaan na Session na yun, Sabi ng iba lalo na yung mga babae, nakaka kilig daw, twice in a lifetime lang daw yun dapat puntahan at hwag palalagpasin, hindi na maiilit pa ang mga sandaling maisasayaw mo yung Girlfriend mo, Crush mo, niligawan mo, Teacher mo, kaklase ko at sarili mo. Ayos lang ang lahat gusto kong pumunta para mag asar, pero dahil sa insidente na wala akong maisusuit na pormal na damit, hindi na lang ako pumunta. SAYANG…
Fourth Year -
bago magpasukan para maging fourthyear, natutuwa akong nagbabantay ng internet cafe sa lugar namin, pero hindi samin sa kaibigan ko. ewan ko ba pero natutuwa ako sa nakikitang kong batang babae, grade 4 lang siya nun. CUTE eh… yun lang…sarap niyang gawing manika ng mangkukulam.
(Adlib lang yun)
Pagbalik ko ng School bilang 4th year, napansin ko na maraming payo ang mga teacher kung ano ang magiging buhay namin pagkatapos ng highschool,
itong fourthyear ako, wala akong paki alam sa mga kung ano ang mangyayari sakin at sa mga kaklase ko pagdating panahon. Hanggang sa nalaman kong bilang na pala ang araw na makakasam ko ang kaibigan, ang paaralang minsan kong inayawan, ang mga teacher na gusto kong ipakulam, ang mga Crush kong nagpapa cute, hindi naman masyadong cute.
Sa wakas makakalaya din sa kulungan
————————————————————————————–
Kapag sinabi mong Highschool ay napaka memorable talaga. dahil madalas dito mo mararanasan ang pagsisismula ng kalokohan sa mundo at dito na tumutubo ang sungay mo, o sungay ng anak mo. kaya kung highschool ka na o ang anak mo malamang na
1. magpapabili na ng cellphone ang anak mo. (N series.)
2. madalas na tulala (malamang niyan kundi adik baka inlove.)
3. nagbabago ang boses (natuto sumagot ng pabalang)
4. tumutubo ng senyales ng pagpupuyat sa mukha. (dahil siguro sa mani.)
5. matagal makipag usap sa telepono. (minsan ginagawa lang mic yung telepono at doon nag coconcert.)
6. tataas ang presyo ng Field trip.
7. madalas na magkaroon ng Field Trip.
8. Hihingi ng pambili ng project
9. hihingi ulit ng pambili ng project.
10. sa maniwala ka o sa hindi hihingi ulit ng pambili ng project.
11. madalas na may group study kuno sa bahay ng classmate. (kasing laki ng MOA yung bahay ng classmate.)
12. umuuwing lasing
13. matututong magyosi.
Sari sari na ang buhay na nangyayari sa buhay ng higschool ,dito nade develop ang kalokohan ng bata, dito nakikita talaga ang isang ugali na madalas na napapansin.
bakas sa mukha ng Highschool student kung siya ay in love, o may ginagawang kalokohan. (opinyon ko lang.)
Pero dito sila makakakilala ng “LOVERS”, “LOVE INTEREST”, Crush, Mortal Enemy.
Nagsisimula nang harapin ang sariling opinyon, sariling pananaw at nakikilala ng husto ang sarili.
Nagsisimula nang maging mayabang, magpaganda, magpa pogi. mawawala na ang pagiging makapal ang mukha o buraot at natuto nang mambastos ng nakakatanda.
puro kalokohan naman kasi ang iniintindi ng ibang Highschool student dahil sa impluwensiya ng barkada o kaibigan.
siyempre magsisismula nang makipag usap ng maayos at hindi na nahihiyang makipag usap o ibunyag ang feelings sa kanyang crush.
Manliligaw ang isang lalaki
Pakipot ang babae at kunwari walang paki alam sa lalaki
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti.
kapag na bad trip si lalaki sa sobrang pakipot ni babae…..
Badtip din si babae “Pero Denial pa rin”
Manliligaw si Lalake ulit
Sa una magpapakipot ng konti ang babae pero mas nice na siya ngayon.
pursigido si lalaki
pakipot pa rin si babae pero kapag mag isa o nakatalikod sikretong ngingiti. pero hindi na kasing tindi nung una kasi inulit na lang kaya wala nang thrill.
magtatapat na si lalaki sa pamamagitan ng pagtatanong ng “Mahal mo ba ako?”
sasagot si babae ng “HINDI eh sorry ah.”
(masasaktan si lalaki) pero playsafe at sasabihin ang ganitong kataga. “BAKIT SINABI KO BANG MAHAL KITA?.
Babawi si babae at sasabihin na ” Ganon?! Mahal din kasi kita eh.”
babawi si lalaki at sasabihin na “Mahal talaga kita eh.”
Babawi si babae at sasabihing “JOKE LANG KAW NAMAN DI KA MABIRO!!!!”
at babawi din si lalaki dahil ayaw mapahiya, “Joke lang din…
Repeat Till Fade….


