Home » Archives » October 2009
BABALA:
Ang mga mababasa sa Blog na ito ay pawang mga Immature na paniniwala lang ng isang taong bobo at nagmamarunong, wag paniwalaan ang lahat.

Pick up lines na WALANG KWENTA

October 17, 2009

Ayoko nang mag intro… diretsahan na..

ito yung mga pick up line na narinig ko na, Tinext sa akin, Nabasa ko na sa ibang BLOG tapos yung iba pinilit ko.. i mean nag imbento ako.. medyo Classic at medyo Corny

1. Kapag magkasama tayo, isipin mo si bagyong Ondoy ako…

–Kasi babahain kita ng pagmamahal ko..

2. Hwag kang magagalit ah, Tingin ko kasi sayo para kang pera...

–Ang Sarap mo kasing angkinin, kahit hindi ka AKIN

3.Para kang Relief Goods…

– Kasi, handa akong pumila, makamtan ka lang

4. Para kang Relief Goods..

Kasi Handa akong maghintay, dumating ka lang..  

5. Para kang Sweldo…

 – Lagi kong inaabangan ang pagdating mo..

6. Para kang Lotto..

– eh kasi naman ang tagal tagal ko nang Umaasa Sayo..

7. Kapag magkasama tayo, pakiramdam ko, Fishball Vendor ako at Ikaw ang fishball ko..

–hanggang ngayon kasi, umaasa parin ako sa pagmamahal mo eh..

8. May aaminin ako sa yo, Alam mo, Takot ako sa Multo…

–Pero mas TAKOT ako kung mawawala ka sa Buhay ko…

9. Pwede Ba kitang Abutin?..

IKAW kasi ang pangarap ko eh.

10. Hindi naman sa Nandidiri ako sayo eh no? pero para kang tae..

–Kasi hindi kita kayang paglaruan..

11.Hindi mo pa nga ako Binabato….

–Tinamaan na kaagad ako sayo..

12. Para kang TAXI….

–Habang Lumalayo , mas Lalo akong napapamahal.

13. Peram naman ng TABO sa inyo…

–bubuhusan ko lang ang puso ko, Nag aalab sa pagmamahal ko sayo..

14.Takot ako sa Matataas na lugar, kasi, Ayokong mahulog…

–Mas gugustuhin kong MAhulog SAYO..

15. Paglaki ko gusto kong maging….

SAYO

16.Alam mo matalino ka, Sana Scientist ka na lang..

–Sana ako ang maging LAB mo..

17. Nasalanta ka ba ng BAGYO?

–Pwede ba akong maging Vollunteer sa PUSO Mo?

18. Alam mo handa akong Mahilo…

 –Umikot lang ang MUNDO ko sayo..

19. Nasaraduhan ka na ang GATE nyo?

–Hwag kang mag alala, Bukas lagi ang puso ko para sayo..

20. Aanhin mo pa ang RELO?

–Kung NASAYO na ang LAHAT ng ORAS ko..

21. Pasalamat ka sakin, Tingin ko sayo para kang IHI

–HIndi kita kayan TIISIN

22. Alam mo Kahit Kailan, Hinding Hindi ako Mahuhulog  SAYO..

– Kasi Sa tuwing nakikitapa lang kita eh, Parang lumulutang na ako…

23.  Alam mo, Tingin ko sayo Para kang NEGOSYO..

— Kasi, Sobrang nag INVEST na talaga ako ng FEELINGS sayo eh..

24. Alam mo Para kang CHAMPIONSHIP BELT sa BOXING….

—Handa akong Masaktan, MAKAMIT ka lang..

25. Ang Daming Magaganda sa MUNDO no?…

–Pero IKAW lang ang PinakaMAgandang Nangyari sa BUHAY ko..

26. Para KAng Holdaper..

– Handa akong IBIGAY sayo ang LAHAT, Hwag mo lang akong SAKTAN..

27.  Buti pa ang PAYSLIP, may PAG IBIG..

– ako wala

28. Alam mo Bobo ako sa Basket ball eh, pero alam mo Para kang Bola ng BASKETBALL….

–Lagi ko na lang nami MISS

29. Sorry ah, Hindi kasi kita nami MISS eh…

— Kasi ang nami MISS lang ay yung mga NAWAWALA, kahit Kailan naman, Hinding Hindi ka nawala sa PUSO ko eh..

30.  Para kang PRESO….

– eh kasi I CANT LET YOU GO..

31. Naniniwala ka ba sa LOVE AT FIRST SIGHT?

— Gusto mo magkita tayo para MANIWALA ka na?

32. WALA NA, UBOS na ang LAHAT NG PICK UPLINE na alam ko, Wala na akong MAISIP

— KUNDI IKAW..

33. Sana naging stethoscope ka na lang..

– Para marinig mo ang Tibok ng Puso ko…

34. Buti pa ang Bigas, Harina, Manok, Prutas, Gulay, Baboy at Gas…

– Lahat  yun nagmamahalan na, TAYO nalang yata ang Hindi pa..

35. Sana Kalendaryo na lang Tayo.

– Para lagi Tayong may Date..

36. Turuan mo naman akong Mag Budget…

—Eh kasi masyado na akong napapamahal sayo eh..

37. Magaling ka ba sa Algebra?

— Can you Replace my X without asking Y?

38. A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T V W X Y Z 

– ooppss.. I miss U

39. Busy ka ba? Pwede bang samahan mo ako?

– habang Buhay..

40. Diabetic ka ba?

–  Kasi I’m planning to be the sweetest person for you..

41. Hindi ko na kailangan ng Energy Drink.

– Hindi naman ako napapagod na MAHALIN KA eh.

42. Huhulaan Kita: Makikita mo na ang LALAKENG HABAMBUHAY NA PARA SAYO..

– Kung Papansinin mo ang pagmamahal ko sayo

43. Nung Iniwan mo ako, Feeling ko Toy Robot ako, Tapos ikaw yung Remote Control ko..

–eh kasi I CAN’T MOVE ON without YOU…

44. Alam mo ba kung Bakit JUNJUN ang Pangalan ko?

– Kasi I CAN’T IDENTIFY MYSELF WITHOUT “U”…

45.Para KAng LOTTO..

 – Tingin ko kasi NAKA JOCKPOT ako sayo eh..

46. Isa ka ba sa mga Heavenly bodies?

– Tingin ko Hindi, kasi Mas maganda ka pa kaysa sa mga bituin sa Langit eh..

47. (PANG ASAR LANG) Para kang Chicharon..

– Nakaka HIGHBLOOD KA..

48. Samahan mo ako, Sabaya tayo magpa Blood test….

– Para malaman ko Kung TYPE mo ako..

49. (PANG ASAR ULIT) “PARA KANG DIAL - UP SA INTERNET.”

– ANG SLOW MO KASI EH..

50. Uy!! Tumataba ka ah…

– Okay lang yan, Kahit gaano ka pa kalaki, kasya ka pa rin sa PUSO ko.

51. Uy!! Tumatangkad ka ah..

– Dati hanggang balikat lang kita, Ngayon, nasa ISIPAN na kita..

52. Napansin ko parang Lumiliit ka..

– Kasi Dati na sa ISIP lang kita, Ngayon nasa PUSO na Kita..

53. May kilala Ka bang Gumagawa ng Relo?

– Papagawa ko kasi itong Relo ko, kasi Humhinto ang oras kapag magkasama tayo.

54. Miss, may kilala ka ba na gumagawa ng sirang Cellphone?

 –  May sira yata ang Cellphone ko, Wala kasi ditong Number mo.

55. Para kang Tubig…

– Uhaw na Uhaw na ko sa Pagmamahal mo..

56. Alam mo para kang Google at Yahoo..

– Lahat kasi ng Hinahanap ko, NASAYO na..

57. Congrats… Na Promote ka.., Hindi ka na Contractual

 – Regular KA na sa Puso ko…

58. Huhulaan kita.. SA Taong ito Susuwertehin ka sa PAG IBIG…

– Kapag naging AKIN ka..

59.  Gusto mo ba talagang MAGING MASAYA..

– eh di maging TAYO Na..

60. Para kang Tuktok ng Mount EVEREST..

– Handa akong mahirapan MAABOT ka Lang

61. Para kang OZONE LAYER..

– Paano na kaya ang MUNDO ko Kung MAWAWALA KA?

62. May kandila ka ba diyan? Pwede bang ipagtirik mo ako?

– Kasi patay na patay ako sayo eh..

63. Sana Damit na lang ako..

- para naman maisip mo kung bagay ba ako sayo.

64. Hindi ka naman Teacher pero simula nang makilala kita may natutunan ako…

-Ang MAGMAHAL.

65. Alam mo ba kung saan ang daan pabalik sa min?

-nawawala kasi ako… kapag nakatingin ako sa mga mata mo.

66. Mahina ako sa Direksyon. Lagi akong nawawala.

-pero nang makilala kita. may direksyon na ang buhay ko, Dahil Hindi ko na hahayaan na mawala ka pa sa piling ko…

67. Hindi ka naman Camera…

-Pero napapangiti ako kapag kaharap kita.

68. I hate most of all letters in Alphabet..

- But i love U.

69. bakit ang keyboard may delete keys, ang ballpen may liquid eraser, ang lapis may pambura.

-Pero bakit “IKAW” hindi mabura sa isip ko?

70. Parang Kalapati ako.

-Kasi kahit ilang ulit mo akong pakawalan. babalik at babalik pa din ako sayo.

71. Totoo yung sinabi nila na para daw akong isang sirang plaka.

-Dahil hindi ako magsasawa na ulit ulitin sayo na mahal na mahal na mahal na mahal talaga kita.

72. Okay lang magtrabaho ako ng magtrabaho kahit wala pang sweldo.. basta ang trabaho ko e….

-CARE TAKER NG PUSO MO.

73. Para ka palang Global Economic Crisis..

- eh kasi dahil sayo napapamahal ako.

74. Pwede mo bang ituwid ang landas ko?

-para dumeretcho na ako sa puso mo.

75. Para kang Drummer.

-Kapag wala ka, walang beat ang puso ko.

76. ayos lang matalisod ako..

-basta sakto sa labi mo.

77. ako ang magsisilbing elevator ng buhay mo.

-kasi makakasama ako sa mga up’s and Down’s mo.

78. magaling kasiguro sa Hypnotismo..

-kasi kapag tinititigan kita. Natutulala na ako eh.

79. buti pa ang 50-50 may chance. ako kaya? Sana may chance din sayo.

80. Gala ka pala ah.. kung saan saan ka nakakarating… Pati sa puso ko, Nakarating ka..

81. Ang Lovelife ko parang “COKE”….. Zero. Pero nung nakilala kita, feeling ko ikaw at ako… SAKTO.

82. Sa gravity lang ba ito?.. O nahuhulog na ako sayo?

83. para kang GRAMMAR.. kasi kahit minsan mali mali ka, pinipilit pa rin kitang intindihin.

84.Ang Ang sipag mo naman.. Maghapon ka na ngang takbo ng takbo sa isip ko.. magdamag mo ding pinapasaya ang PANAGINIP KO. Kung pagod ka na pwede kang magpahinga sa PUSO ko.

85. kung magiging Technician ka siguro, ikaw na ang Pinaka magaling sa mundo… Kasi you NEVER FAIL To FIX MY BROKEN HEART.

86. Para kang Kuryente… ikaw kasi ang kailangan ko para magliwanag ang buhay ko.

87. Genius ka ba? Tingin ko hindi… Kasi Hindi mo alam kung GAANO KITA KAMAHAL.

88. Daga ka ba? Kasi napapatili ako kapag dumadating ka.

88. Para kang tsinelas,….. Pag uwi ko ng bahay, ikaw agad ang hinahanap ko.

89. Ang Init ng panahon ngayon noh? Okay lang, COOL ka namang kasama eh.

90. Para kang Reading Glass.. kapag kasama kita, Lumiliwanag ang paligid ko.

91. May lason bang mga mata mo? nakakamatay kasi ang titig mo…”

92. Charger ka ba? because you Fill the emptiness in me.

93. jejemon kaba? kasi kahit ang hirap mong spellingin, pinipilit parin kitang intindihin

94. Para kang Ballpen…. Kasi ikaw na lang ang kulang para maisulat na ang Love story nating dalawa.

95. Ang layo na siguro nang narating mo… Kakatakbo sa ISIP ko.

96. Ingat ka sa dinadaanan mo ah.. Baka kasi Ma Trap ka sa Puso ko.

97. They Say “NOTHING WILL LAST FOREVER..” I’d say “WOULD YOU BE MY NOTHING?

98. Pwede ba kitang maging Singer? Kasi I want to be YOUR SONG, So i can play so softly in your HEART.

99. Para kang ICE CREAM/ICE CANDY.. Kasi Your so COOL and SO SWEET..

100. Kung Isa akong EROPLANO, Ayaw kitang maging PILOTO.. Sigurado kasi Magkaka “CRUSH” ako sayo eh..

101. Kandidato ka ba? Tumatakbo ka kasi sa ISIP ko eh.

102. Indelible Ink ka ba? ANg hirap mo kasing burahin sa ISIP ko eh.

103. Sabi nila Nobody is Perfect daw.. Ikaw ba si Nobody? Perfect ka kasi eh.

104. Ang mahal na pala ng Kuryente ngayon noh? Sana Kuryente ka na lang…
Para kahit paano masabi ko sa sarili ko na NAGMAHAL KA DIN SAKIN..

105.Sabi nila, sa tuksuhan nagsisimula ang lahat.. eh kung tuksuhin na lng kya kita sa sarili ko?!

106. Galing ako ng Probinsya, nakakita ako ng Mangga, naalala tuloy kita.. Para ka kasing mangga..
Kasi Sweet ka kaya ang sarap mong iuwi.

107.Peter Pan Said “if you close your eyes and think about something you really want, you’ll FLY.”…
but how come everytime I think of you.. I FALL!!!

108. Buti pa ang AKSIDENTE, kahit paano Pwedeng Iwasan.. Pero ang Isipin ka Hindi.

109. May kakambal ka ba? Wala?! eh sino itong nasa puso ko?.. kamukhang kamukha mo.

110. Para kang Contact lens.. Kasi You are so beautifil in my eyes

111. Papel ba ang Puso mo? Gusto ko kasing isulat ang pangalan ko..

 ———————————————————————————————————————————————————————–   

 

 

WALA NA AKONG MAISIP, mag uupDate na lang ako, kapag may naisip o narinig o narecieve na ako na bago..

 

Posted by junjun at 7:36 pm | permalink | comments[1]